T A I R I S H
M A M A R I E
City lights.Nasa mataas na lugar kami ngayon at mula dito kita ang city lights. Halos mapanganga ako kanina nang makita ko 'to.
"Palagi akong nandito.." napalingon ako kay Kurt.
Parehas kaming nakaupo ngayon sa harapan ng kotse ni Tyler. Sinadya pala nilang iwan 'to sa studio kanina.
At hanggang ngayon kanina ko pa iniisip kung paano maging girlfriend ng isang Kurt Ruzzle Javier.
Halos mamatay ako sa hiya dahil mga ginawa ko kanina.
Tinignan ko lang ang mukha n'ya na nakatitig din sa city lights. Simula nang dumating kami sa lugar na'to napaka tahimik n'ya samantalang kanina, napaka-ingay namin sa byahe. Pinagpaalam narin n'ya ako kay Kuya.
Lumingon ako ulit sa city lights.
"Ang ganda.." at lumingon ulit sa kanya pero ngayon nakatingin na s'ya sa'kin. "Oo, maganda." Bulong n'ya habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko naranasan ang ganitong pakiramdam kay Ryoken.
I'm drowning by my own feelings.
Umiwas ako ng tingin at humiga nalang. "Stars, ang dami nila.."
Sobrang daming stars ngayon. Pero para sa'kin,
Ang star na katabi ko ang pinaka gusto ko.
Ginaya n'ya ako at humiga din.
"Ang dami nga, pero guess what.."
Tumingin ako sa kanya.
"Ano?"
Ngumiti s'ya at tumingin ulit sa langit
"Nakuha ko na 'yung sa'kin." Kurt.
Ayokong ngumiti pero kusang lumabas ang mga ngiti sa labi ko.
Parehas kami ng nasa isip.
Tumingin ako ulit sa langit at walang nagsalita pa sa'min. God. Thankyou po dahil nakilala ko ang moody na'to. Sana hindi n'ya ako iwan kagaya nila.
kagaya ni Papa.
"Mamarie."
Lumingon ako nang tawagin n'ya ako pero nakatingin parin s'ya sa langit.
"Bakit?"
Napaka un-usual namin ngayon dahil walang sigawan at asaran na nangyayari.
"No matter what happens, just stay with me." Seryoso n'yang sabi at kita ko sa mga mata n'ya 'yon.
Na para bang takot s'ya sa kung ano.
"Wala namang dahilan para iwan ka, maliban nalang--"
Hinawakan n'ya ang kamay ko at piniga 'yon.
Bakit pakiramdam ko takot s'ya sa isang bagay na hindi ko alam kung ano.
"Promise me, you'll never leave me."
Saglit akong natigilan pero hinayaan ko narin ang kamay naming dalawa.
Ibinaling na n'ya ang tingin n'ya sa'kin. "Please." Binigyan ko s'ya ng isang ngiti at tumango. "Oo."
Itinaas ko ang kamay namin na magkahawak at tumingin doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...