Season Two: Chapter 17

53 5 14
                                        

T A I R I S H

Tahimik kong nililigpit ang mga gamit ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

Bukas 'yon kaya agad akong lumingon at doon nakita ko si Clark na nakatayo.

"A-ah, saan ka galing?" Tanong ko na lang at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Aalis na ako dito.

Sa kulungan na 'to.

Hindi ko s'ya magawang tignan ngayon dahil hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa kanya.

"Nakapag-usap na ba kayo?" Rinig kong tanong ni Clark pati narin ang tunog ng yapak n'yang papalapit sa 'kin.

Saglit akong natigilan bago sumagot.

"Bakit mo 'yon ginawa?" Tanong ko na lang.

I heard him smirked.

"I saw your necklace.."

Napahigpit ang hawak ko sa maleta ko nang dahil sa sinabi n'ya.

Tinabi ko 'yon.

Ilang beses kong sinubukan na itapon pero para lang akong tanga na pinupulot din 'yon ulit.

"Mukhang saglit mo lang na sinara 'yung nararamdaman mo para sa kanya.."

Lumingon ako at nagtama ang tingin namin.

"But it stays there.. and i know, it will never leave."

Kahit hindi maliwanag ang sinabi ni Clark alam ko kung anong ibig n'yang sabihin.

And yes..

I tried to unlove Kurt but this heart.., it disobeys.

"I like you."

Tuluyan ko nang tinigilan ang ginagawa ko at tumabi na sa kanya.

I sighed.

Alam ko masama s'ya sa mata ng lahat. But deep inside him, he cares.. always.

And i feel sorry that i can't give the care he's been giving me for fives years.

Ginulo ko na lang ang buhok n'ya na agad n'yang kinainisan.

"Thank you, Clark. Sorry kung kailangan ko na umalis." Sabi ko at ngumiti.

Napahinto s'ya na ipinagtaka ko.

"Bakit? May problema ka ba---"

Nagulat naman ako nang hindi n'ya ako patapusin sa pagsasalita at hilain sa isang yakap.

"T-thank you.. ilang taon kong hinintay 'yon."

Ang alin?

Umiiyak ba s'ya?

Hihiwalay sana ako sa yakap pero mas hinigpitan n'ya pa 'yon at naramdaman ko nalang ang pagbaon ng mukha n'ya sa balikat ko.

Umiiyak s'ya.

Nararamdaman ko ang luha n'ya sa balikat ko ngayon.

Hinayaan ko na lang si Clark hanggang s'ya na mismo ang humiwalay sa yakap.

Kitang-kita ko ang pamumula ng mata n'ya kaya agad s'yang umiwas ng tingin.

"What about your father? Pati narin 'yung sa ospital?"

Agad na napalitan ang mood ko at mabilis din na nawala ang ngiti ko.

"Hindi ko alam.. pero hindi ako magpapaalam pa sa kanya. Kagaya ng dati, kung pa'nong nagising na lang ako na wala na pala akong ama. Sabihin mo na lang na iniwan kita ng walang pasabi. Ikaw na ang bahala. And for five years of working under my father, malaki rin ang naipon ko. Alam ko kasing dadating ang araw na 'to." Sabi ko na lang at bumuntong hininga.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon