Chapter 24: Promise

184 13 9
                                    


T A I R I S H
M A M A R I E

"Ayan lang gusto ko, sige na, bayaran mo na." Sabi ko kay Kurt nang ilapag ko ang mga pina-libre ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa Mini store.

"Lang? Ayan lang?" Tanong n'ya habang tinuturo ang mga pinili ko.

Tinignan ko 'yon at kumpleto naman. Actually, excited na akong kainin!

"Bakit? Ang sabi mo, libre mo."

Nag-facepalm naman s'ya sa sinabi ko.

Ano bang problema n'ya?

"Hindi 'yon ang pino-point out ko. Para naman kasing kinain mo na lahat ng tinda nila dito, ang takaw mo talaga."

Aba't--- talaga naman!

"Hoy---"

Magsasalita pa sana ako nang um-eksena na 'yung cashier.

"Ah, Maam.. Sir.. marami pa po ang nakapila." Sabay kaming napatingin sa paligid at lahat sila nasa amin ang atensyon.

Nakakahiya.

"Ang daldal kasi."

Sinimangutan ko nalang si Kurt at nauna na lumabas.

"Ang dami talaga nito." Sabi n'ya habang nakasunod sa'kin at dala-dala lahat ng pina-libre ko.

"Wag ka magreklamo ako ang kakain."

"Ikaw lang? Share mo naman! Ako ang nagbayad." Reklamo n'ya.

"Oo na, tara na't umupo." sabi ko at naunang umupo sa bench na malapit sa'min.

Bigla kong naalala 'yung kanina.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko nang makita ko na papalapit si Ryoken. Lalakad na sana ako palayo pero bigla naman akong hinila ng kasama ko ngayon at ang dahilan n'ya, ewan n'ya daw.

"Tulala ka nanaman."

Napalingon ako sa katabi ko na si Kurt.

"Thankyou kanina."

Napakagat ako sa dila ko dahil bigla ko nalang nasabi 'yon.

"For what?"

"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kanina."

I sighed.

Akala ko okay na kay Ryoken. Na malinaw na, na wala na talaga. Pero bakit n'ya ginawa 'yung kanina at binalak n'ya akong lapitan sa harap pa ng maraming tao.

Sigurado ako na magiging malaking issue 'yon pag nagkataon dahil nung kinantahan ako ni Kurt halos buong taga Castillones Academy ang nakakita. Alam n'yo naman siguro kung gaano kakilala 'yang dalawa na'yan sa school.

"Tell me about your past."

Muli akong napalingon sa sinabi n'ya.

Nakatingin lang s'ya ng diretso sa kung saan.

Ang sarap n'yang pagmasdan. 'yung ilong n'ya, 'yung mga mata n'ya, 'yung buong mukha n'ya.

Ngayon ko lang na-appreciate 'yon.

"Sabi ko, tell me about your past. Hindi tunawin ako."

'yun nga lang hindi ko talaga ma-appreciate ang ugali n'ya.

"Ang demanding mo ano? Wala manlang can you? Would you? Talagang direkta ka kung mag-utos." Pansin ko kasi sa kanya 'yon.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon