Kurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy.
He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
K U R T
Hindi ko alam kung paano kami nakarating ngayon sa rooftop ng hotel na 'to.
Kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para madala s'ya dito.
At ngayon..
Hindi ko alam kung panaginip parin ba na totoo ang araw na 'to.
Na nasa harap ko na ang babaeng hinahanap ko.
Nasa harap ko na si TairishMamarie Cruz.
Tahimik lang akong nakatitig kay Tairish habang hawak ang isa n'yang kamay dahil sa paghila ko sa kanya.
Nakatingin s'ya sa kamay namin at nang i-angat n'ya ang tingin n'ya sa'kin pakiramdam ko nanginig ang mga tuhod ko.
Sa limang taon, napakaraming naipon na salita sa isip ko na gusto kong isigaw at sabihin sa kanya.
Pero ngayon..
I can't even say a word.
Dahan-dahan n'yang tinanggal ang kamay n'ya mula sa pagkaka-hawak ko.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit parang ibang tao ang kaharap ko ngayon.
Ibang-iba na s'ya.
Mas lalo s'yanggumanda.
"May sasabihin ka?"
Pinigilan ko ang panginginig ng kamay ko nang sabihin n'ya 'yon habang diretso na nakatingin sa mga mata ko.
Isang tanong palang 'yon.
Pero bakit kahit ayon palang ang nalabas sa bibig n'ya durog na durog na agad ako.
She left me hanging.
And it took five years, tapos ayon lang ang sasabihin n'ya sa'kin?
Napayuko nalang ako at natawa ng mapait.
"Mamarie.."
I can't see her face dahil nakayuko ako at sa mga paa n'ya ngayon nakatuon ang mata ko.
Nakakapag-suot na s'ya ngayon ng mataas na heels. Samantalang ayaw n'ya ng bagay na 'yan noon.
"Mr.Javier, wag na tayo magsayang ng oras." Tairish.
"Mr.Javier?" Natatawang tanong ko.
Magsayang ng oras? I've been waiting for five years without thinking that it's just a waste of time, kahit hindi ko alam kung babalik ka ba.
Gusto ko sana sabihin 'yon pero wala akong nagawa kung hindi ang matulala nalang sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam na ganito ang maririnig ko sa kanya kung sakaling magkikita kami.