T A I R I S H
M A M A R I E
Buti nalang sakto ang dating ko sa school pati narin si Ryoken. Madalas narin kasi kaming magsabay. Dahilan para hindi ako tigilan ni kuya sa pangungulit n'ya kung anong mayroon sa amin.
Nang makarating naman kami sa room, may nakita akong letter sa table ko na agad ko naman dinampot at binasa.
"Mamayang uwian hihintayin kita sa gate. Kapag wala ka salvage ka sa 'kin."
Ayan 'yung nakalagay doon sa letter. Ano nanaman ba? Umagang-umaga hina-highblood ako dahil kahit walang pangalan 'to, alam ko kung kanino 'to galing.
Umupo na ako at tumingin sa direksyon kung saan nakaupo si Kurt at ayon, nakatingin s'ya sa 'kin habang nakangisi. Walang duda, s'ya nga ang nagbigay nito.
Bwisit talaga.
"Ano 'yan?" Biglang tanong ni Ryoken na katabi ko.
"Ah, wala."
Patago ko na nilukot 'yung letter at ibinulsa. Sakto namang dumating 'yung teacher namin sa first subject kaya nakinig na kaming lahat at alam mo kung anong nakakainis? Buong time pumasok sa isip ko 'yung tungkol sa sulat. Ang lakas ng loob n'yang takutin ako! Ano ako bata? And how do we even end up here? Sa pagkakaalam ko invisible ako sa lahat lalo sa kanya sa ilang taon na pagiging magkaklase namin.
Anong ba talagang kailangan mo, Kurt.
°°°°
Lunchbreak.
Bumaba na ako kasama si Ryoken dahil hindi makakasabay ngayon sa amin si Ella.
Habang kumakain kami at nagkwe-kwentuhan, biglang may naglapag ng tray sa table namin.
"Pwede umupo?" Sabi nung naglapag ng tray na walang iba kung hindi si Kurt.
Ano nanaman kaya ang trip nito? Minsan talaga nahihirapan akong basahin ang mga kilos n'ya. Hindi naman kasi ako sanay sa atensyon n'ya. Napansin ko namang nakasimangot si Ryoken.
"Ah, ano.. sa iba ka nalang makiupo." Sabi ko kay Kurt.
"Sige lang, umupo kana."
Kinagulat ko naman ang pagpayag ni Ryoken.
"Oh... Thank you." Sabi ni Kurt habang nakangisi nanaman.
Bakit ba gusto n'ya akong inisin palagi? At bakit naman pinayagan pa 'to ni Ryoken. Kung gusto nila makasama ang isa't isa, pwede naman ako lumipat ng lamesa.
Nang makaupo na si Kurt, medyo awkward talaga kasi magkatabi sila ni Ryoken tapos ako nasa tapat nilang dalawa.
"Ikaw pala 'yung bagong student?" Biglang salita ni Kurt na nasa pagkain ang tingin.
"Oo." Ryoken.
"Kayo ba ni Mamarie?" Napaangat ang tingin ko dahil sa tanong ni Kurt.
Ano daw? Bakit ganito ang mga dating ng tanong n'ya at anong karapatan n'ya para tanungin ang bagay na 'yon?
At isa pa, s'ya lang halos ang tumawag sa 'kin sa second name ko na Mamarie.
"Bakit mo tinatanong?" Ryoken.
Nakatitig na sila ngayon sa isa't isa habang ako naman nakatitig sa kanila at hindi makasalita.
"Wala naman." Kurt.
"At kung sakaling kami man, ano naman sa 'yo?" Ryoken.
Hindi ko na nakayanan ang hindi magsalita kaya nakisabat na ako.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Roman pour AdolescentsKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
