Chapter 27: Her past

256 16 15
                                    

S E A N
B R I A N

"Sh*t."

Pagkatingin ko sa alarm clock ko hindi ko napigilan na maihagis 'yon dahil sa inis. at ayon syempre wasak.

Bwisit naman!

Bakit ngayon pa ako na-late?! 

Walang kwentang alarm clock 'yun ah. S'ya ang may kasalanan nito. Kung sana nilakasan n'ya ang tunog, sana nagising ako. Hindi na tuloy ako aabot nito sa first subject ko.

Napuyat lang naman ako dahil sa pag-uusap namin ni papa kagabi. Idagdag mo pa 'yung mga ugok na pinasundo sa'kin ni Tairish.

Ang bibigat ng mga g*go na 'yon.

Bumangon na ako at naligo dahil kailangan kong pasukan ang iba ko pang subject.

Habang nagbababad ako sa tubig ay naalala ko nanaman 'yung napag-usapan namin ni papa kagabi.

Napagbigyan ko na s'ya sa ginawa n'ya sa'min dati pero kung akala n'ya hahayaan kong kunin n'ya sa'kin ang kapatid ko, akala n'ya lang 'yon.

Matapos n'ya kaming iwan dati kukunin n'ya sa'min ni mama ang nag-iisang dahilan kung bakit kami masaya.

Tairish is our hapiness.

At kami nalang din dalawa ang natitira kay mama kaya bilang panganay kailangan kong protektahan ang dalawang babae ng buhay ko. Hindi ako papayag na may manakit pa ulit sa kanilang dalawa bukod kay papa.

Minsan nga nagdududa parin ako sa Kurt na 'yon, kahit nakikita kong seryoso s'ya sa kapatid ko. Lalaki ako kaya ramdam ko kung seryoso s'ya o hindi. Pero minsan talaga hindi ko parin maiwasan na mag-alala dahil nakita ko kung paano umiyak ang kapatid ko nung masaktan s'ya ng sarili naming ama. 

At 'yon yung araw na sinabi kong hindi na s'ya iiyak ng dahil sa isang lalake.

Pero 'yung gago kong bestfriend na si Ryoken iniwan 'yung kapatid ko noon.

Ang akala siguro ni Tairish wala akong kaalam-alam sa kanilang dalawa ni Ryo. Ni hindi n'ya nga alam na nabugbog ko dati 'yon.

°°°°°

Pababa na ako nang maka-salubong ko si Tairish na paakyat.

"Nag-breakfast kana? Saan 'yung tatlo?" Tanong ko.

"Uuwi na, akyat lang ako kuya."  Sagot n'ya na hindi manlang tumitingin sa'kin.

Nilagpasan na n'ya ako pero bago pa s'ya makaakyat ay hinawakan ko s'ya sa kamay na nagpatigil sa kanya.

"May problema ba?" Nag-iwas lang s'ya ng tingin sa tanong ko.

"Wala, masama lang pakiramdam ko."

Magtatanong pa sana ko pero tuluyan na n'ya akong nilagpasan.

Lokohin na n'ya lahat wag lang ako. 

Halatang-halata na may gumugulo sa kanya.

Agad akong bumaba para tignan kung nandoon pa 'yung tatlo at pag-tingin ko sa sala nandoon 'yung dalawa na magkayakap.

The f*ck?

Bromance ba 'tong dalawa?

Nauubos na talaga mga katulad kong tunay na lalaki sa mundo.

Pero teka nga, nasaan na 'yung Kurt na'yon? S'ya pa naman ang kailangan kong makausap.

Siguro nakauwi na.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon