Chapter 14: Confused.

246 20 2
                                    

T A I R I S H
M A M A R I E

Pagkatapos nung nangyari kaninang lunch ay umakyat na ako. Natapos na ang isang subject pero hindi parin bumabalik si Ryoken.

Ano ba nangyari kay Ryo? 

Siguro sinamahan si Riye. 

Bakit umiiyak kanina si Riye?

Ang dami kong gustong itanong pero mukhang hindi rin sasabihin ni Ryoken dahil private daw.

Iniisip ko rin mamayang uwian may tutorial si Kurt sa'kin.

Hay, ang dami kong problema simula nang sumulpot ang dalawang 'yon sa buhay ko.

Ang tagal kasi bumalik ni Ella.

Naka-leave kasi s'ya, tapos hindi pa nya sinabi kung kailan ang balik n'ya. Sana bumalik na s'ya para naman mapakilala ko na sa kanya si Riye.

Pumasok na ang teacher namin para sa next subject. Sana naman pumasok na si Ryoken, wala akong makausap dito.

Speaking of Ryoken, pagkapasok nung teacher namin ay halos kasunod lang din s'ya.

Kaso parang may mali.

"Ryo, ano 'yan?" Tanong ko sa labi n'yang may sugat pagka-upo n'ya sa tabi ko.

"Wala 'yan, nauntog ako sa pader." Sabi nya.

Ako pa niloko nito.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"So, mas unang pumutok 'yang labi mo bago 'yang noo mo?"

Tumawa lang s'ya sa sinabi ko.

"Bahala ka nga dyan." Sabi ko nalang at nakinig na sa lesson.

Maya-maya lang narinig kong bumulong si Ryoken.

"Date tayo."

"Ha?" Hindi ko naiintindihan ang sinabi n'ya dahil nakikinig ako sa teacher namin.

"Wala, siguro iniisip mo nanaman si Javier."

Javier?

Si Kurt?

"Ano nga kasi 'yon."

Pagpupumilit ko.

Ayaw nalang kasi sabihin ulit.

"Sabi ko date tayo."

Ah, date lang pala--- teka date?

"D-date?"

Magsasalita palang sana si Ryoken nang sitahin kami ng teacher namin.

"Ms.Cruz And Mr.Ishikawa, are you listening?!"

Parehas kaming napalunok ni Ryoken sa sigaw ni Ma'am. Parang gusto ko naring lumubog sa lupa dahil sa dami ng nakatingin sa'min.

Itong Ryoken kasi na'to ang daldal!

"M-maam, sorry po." Sabay naming sabi ni Ryoken

Okay na sana kaya lang may sumigaw.

"Nag-uusap po sila about sa DATE, narinig ko po!" Sigaw ng classmate naming lalaki na nasa likod ko.

At talagang diniin pa n'ya 'yung salitang date.

Nakakahiya dahil halos lahat ng atensyon ng buong classroom nasa aming dalawa ni Ryoken. Idagdag mo pa 'yung mga fangirls ni Ryoken na kulang nalang sabunutan ako.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon