A X E L S O N
"Axel! Axel! Hindi ko pa s'ya nakikita!!!"
"Axel! Bro!"
"HOY!"
"Ano ba!?" Rindi kong sagot kay Kent.
Ginugulo kasi ako kitang malalim ang iniisip ko.
"Ano ba kasing iniisip mo?! Languyin na natin at mukhang malalim." Medyo korni na tanong ni Kent.
"Kent, wala ka ba talagang balita kay Natalie?" Tanong ko.
"Natanong mo bigla? Uhm.. wala talaga. Simula naman nang mawala bigla si Clark nawala narin si Nat. Ang ipinagtataka ko, kung bakit hindi ko nakikita si Natalie ngayon samantalang halos hindi mapaghiwalay 'yung dalawa dati." Sagot ni Kent.
Hindi na ako magtatanga-tangahan.
Sa tingin ko alam ko na kung anong dahilan ni Clark.
Pero hindi ko parin talaga s'ya magawang sundan sa Cemetery na 'yon.
Palagi akong hanggang gate lang.
Dahil kung tama man ang hinala ko,
hinding-hindi ko 'yon matatanggap.
At siguro hindi ko rin kayang magalit kay Ryoken dahil alam ko ang dahilan n'ya.
Pero sana talaga hindi..
Pakiramdam ko kasi guguho ang mundo naming lahat.
Lalo na ako.
"Hi guys, nasaan si Kuya?" Napatingin kami sa kakadating lang na si Riye.
"Anong nangyari sa mata mo?" Tanong ko.
Mamamaga kasi ang mata n'ya, parang galing sa iyak.
"Sino umaway sa'yo bunso?! Resbakan natin!" Tanong naman ni Kent at umakbay pa kay Riye.
"Wala." Natatawang sagot ni Riye.
"Resbak lang walang akbay."
Nagulat naman kami sa pagsulpot ni Ryoken at tinanggal ang nakaakbay na braso ni kent kay Riye.
"Ready na? Magsisimula na daw 'yung program, proceed na sa backstage." Sabi ni Ryoken kaya kumilos na kaming lahat.
"Ryo, paunahin mo na si Kent at Riye, may pag-uusapan lang tayo." Sabi ko.
Tumango naman s'ya at pinauna na sila Riye.
"Ano 'yon, bro?" Tanong n'ya nang tuluyang makalabas ng music room sila Kent.
"May balita ka ba kay Natalie?"
Nakita ko ang gulat ni Ryo sa tinanong ko."Si Nat? Simula nung mag-break kami hindi na s'ya nagpakita sa'kin. Hindi narin ako nag-abala pa na kontakin s'ya."
"Wala ka bang napapansin? Simula nung mawala si Natalie nawala din si Clark."
Hindi sumagot si Ryo at mukhang nag-isip rin.
"Sa tingin mo.. si Nat ang makakasagot ng biglaang pagkawala ni Clark?" Tanong sa'kin ni Ryoken.
Sana nga s'ya.. sana nga makita pa namin si Natalie.
"Siguro.. pero paano natin s'ya mahahanap kung kahit anino n'ya hindi natin makita."
Tumango-tango nanaman si Ryoken sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...