Kurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy.
He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko ngayong papunta ako sa ospital na pinagdal'han kay Riye.
Five years ago, ganitong-ganito ang kabang naramdaman ko nung mabalitaan kong naaksidente s'ya.
"Mikael.."
Napatingin ako sa katabi kong si Cyra. Magkasama kami nung tumawag sa 'kin si Ryoken.
I feel so guilty right now.
Dapat pala sinundo ko na lang s'ya ngayon sa school n'ya.
"Sh*t.. w-what if.. Cyra, hindi ko alam kung anong iisipin ko." Sabi ko na lang habang pinipigilan ang mga kamay ko sa panginginig.
Hinawakan naman 'yon ni Cyra at pinakalma.
"Kumalma ka muna.. tumawag ako kay Ryoken hindi ba? Ayos na daw si Riye.. hinihintay lang n'ya magising." Cyra.
"Kasalanan ko 'to."
Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay agad akong nakatanggap ng batok kay Cyra. Pero hindi katulad ng palagi kong sagot na pabalang, wala akong nagawa kung hindi ang maluha na lang.
Rinig ko naman ang malalim n'yang paghinga.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na n'ya ako nakitang ganito.
Kung ilang beses na n'ya nakita ang mga luha ko.
"Pa'no kapag nagising s'ya tapos hindi na ako?" Natanong ko na lang bigla.
"Wag mo munapangunahan, Mikael."
Hindi lang 'yon ang kinakatakot ko.
Mas natatakot ako na maalala n'ya ang lahat at malaman lahat ng kasinungalingan namin.
Kasinungalingan ko.
°°°°°
Nang makarating kami sa pintuan ng hospital room ni Riye ay hindi agad ako pumasok. Masyado akong kinakabahan na harapin s'ya, lalo na ngayon na alam kong gising na s'ya dahil binalitaan kami ni Ryoken sa byahe kanina.
"Cyra.. anong sasabihin ko--- Cyra?"
Paglingon ko kay Cyra nakatingin s'ya sa emergency room na nasa dulo ng hallway.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.