T A I R I S H
M A M A R I EPinagmasdan ko ang natutulog na mukha ni Kurt. Kakagising ko lang din at mukha n'ya agad ang bumungad pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko.
Ang ganda n'ya..
Ang ganda ganda ng mukha ng lalaking 'to.
Dahan-dahan kong inangat ang isang kamay ko na nakayakap sa unan at inabot ko ang kilay n'ya.
Grabe.. mas maganda pa ang kilay n'ya sa'kin.
Agad naman bumaba ang tingin ko sa mga labi n'ya at naalala ko nanaman ang ginawa n'ya kahapon kaya agad na nag-init ang pisngi ko.
Aish, makapag handa na nga lang ng almusal.
Nagbabalak na akong bumangon nang biglang may pumulupot na braso sa bewang ko at hinigit 'yon. Agad akong napakurap nang ilang beses dahil napakalapit ng mukha namin ni Kurt sa isa't-isa. Dala narin siguro nang gulat dahil sa bigla n'yang paghigit sa'kin.
Ibig sabihin kanina pa s'ya gising?!
I gulped.
Hindi s'ya nagmulat ng mata pero idinikit n'ya ang noo n'ya sa noo ko.
"H-hoy.. alam kong gising ka." Bulong ko habang takip takip ang bibig ko.
Nako-concious ako masyado sa kanya.
Nagmulat s'ya ng mata kaya nagtama ang tingin namin at natawa nang mapansin n'yang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko.
Tuluyan na s'yang tumawa at hiningahan ako ng pasadya kaya medyo nilayo ko ang mukha ko.
"Bastos." Sabi ko na nagkatakip parin ang bibig.
Binigyan n'ya lang ako ng isang ngisi. At kung kanina nagulat ako sa paghigit n'ya ng bewang ko, ngayon halos manigas ako sa kinahihigaan ko nang mabilis n'yang tanggalin ang kamay ko at agad akong ninakawan ng isang mabilis na halik.
"Goodmorning." Ngiting aso n'yang bati matapos non.
Hindi ako nakapag-react at natulala pa'rin sa ginawa n'ya.
Aba't---
Agad akong umupo at itinakip sa mukha n'ya ang unan na yakap ko pero wala s'yang ginawa kung hindi ang tumawa mula sa ilalim ng unan na nginungudngod ko sa mukha n'ya.
"Nakakarami ka na ha--" nanggigigil kong sabi na tinawanan n'ya lang.
Napansin kong hindi na s'ya gumagalaw kaya itinigil ko ang pag ngudngod ng unan sa mukha n'ya at inangat 'yon.
Nakapikit si Kurt kaya mahina kong tinapik ang pisngi n'ya.
"Hoy."
Bigla s'yang dumilat at sinalubong ako ng rectangle smile n'ya na agad na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Inangat n'ya ang dalawang braso n'ya at nagsalita na akala mo bata.
"Yakap." Hiling n'ya sa'kin habang nakalutang ang dalawang braso n'ya sa hangin.
"Mamarie!!" Sigaw n'yang parang bata.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil nakaupo ako sa gilid n'ya habang s'ya nakahiga parin.
Dahil hindi parin ako gumagalaw ay agad akong hinila ni Kurt at kinulong sa yakap n'ya. Nakapatong ngayon ang ulo ko sa dibdib n'ya at rinig na rinig ko ang malakas na kabog nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Teen FictionKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...