Chapter 54: Disclosure

121 4 6
                                    

T A I R I S H
M A M A R I E

Matapos nang nabalitaan namin agad kaming pumunta kung saang ospital si Riye.

Hindi namin ma-contact si Ryoken at mas lalong hindi magawang tawagan ni Kent ang parents nila. Natatakot din kasi s'ya at sinabi n'yang si Ryoken nalang din ang magsasabi ng tungkol kay Riye.

Tahimik lang kaming naghihintay dito sa labas ng emergency room. Si Kent nakatungo lang habang nakahawak sa mukha n'ya. Parehas naman nakatayo si Mikael at Clark, habang magkabilaan kong katabi si Tyler at Kurt.

Bigla nalang ako naluha dahil sa kaba na kanina ko pa pinipigilan. Agad naman ako idinikit ni Kurt sa kanya gamit ang pagyakap sa braso ko.

Tahimik lang kami lahat nang biglang dumating si Ryoken.

"Kent--- kapatid ko? Kumusta? Ano daw balita---" sunod-sunod ang tanong n'ya at namumula narin ang mata n'ya na para bang iiyak na.

"Ryo---"

"Sagutin n'yo ako! Kumusta ba 'yung kapatid ko---"

"Hindi pa nalabas 'yung doctor. Please bro, kumalma ka muna." Mahinahon parin na sagot ni Kent.

Kitang-kita ko kung paano mahirapan sa paghinga si Ryoken at pigil na pigil din s'ya sa sarili n'ya. Nabaling naman ang tingin n:ya kay Clark.

"Anong ginagawa mo dito? May lakas ka pa ng loob sumama dito?"

Hindi 'yon sinagot ni Clark at nanatili parin na nakayuko.

Agad namang tumayo si Kent.

"Umupo ka muna, please. Wag ngayon." Kent.

Walang makapag-salita sa'min.

Kahit si Mikael walang imik kanina pa.

Tinabihan na ni Kent si Ryoken sa pag-upo at inakbayan 'to.

Maya-maya pa lumabas na 'yung doctor at ipinaliwanag kay Ryoken ang lagay ni Riye.

Unconcious parin s'ya at ang sabi pa ng doctor masama ang pagkabagsak ng ulo n'ya.

Kotse ang nakabangga kay Riye.

Tinanong din ni Ryoken kung sinong nagdala kay Riye dito pero wala ring nakapagsabi sa'min.

Napaupo nalang si Ryoken at napahilamos sa mukha n'ya habang kaming lahat, tahimik parin.

Sana maging okay ang lahat.

Sana ayos lang si Riye..

°°°°°


Tatlong araw na simula nung aksidente at papunta kami ngayon ni Kurt sa ospital para bisitahin si Riye.

Gising na s'ya sabi ni Ryoken.

"Buti gising na s'ya." Sabi ko kay Kurt na kanina pa tahimik.

Huminto na ang sasakyan at nandito na kami.

"Tairish.." Kurt.

Hinawakan ko ang kamay n'ya na nakahawak parin sa manibela.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tahimik." Nag-aalala na tanong ko.

"Basta kung sakaling.. ano.. basta kung nand'yan si Clark, wag mo s'yang kausapin." Kurt.

Nagtaka naman ako.

"Bakit? Alam kong masungit 'yon pero bakit kung palayuin mo ako para namang may gagawin s'yang masama."

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon