Chapter 2: Ryoken Ishikawa.

513 41 12
                                    


T A I R I S H
M A M A R I E


Nang makauwi na ako, agad akong sinalubong ni Mama na mukhang may hinahanda na pagkain.

"Tairish! Tamang-tama at dumating ka."

"Hello po, bakit? Hinihintay mo po ako?" Tanong ko.

"Oo naman. Kasi 'yung kababata ni kuya mo dumating."

Nagtaka ako sa sinabi ni mama.

Sinong kababata?

Sa pagkakaalam ko ayaw nun sa tao. S'ya nga lang ang kilala kong friendly na walang kaibigan. Basta ang hirap ipaliwanag.

"Ihatid mo na 'to." Sabay abot ng tray sa'kin na may merienda.

"Wait--- Mama, sino po 'yun?" Tanong ko.

"Si Ryoken."

Tumango-tango nalang ako at nagpatuloy na habang hawak ang tray nang bigla kong na-realized kung sino ang binaggit na pangalan ni Mama.

"Ryoken Ishikawa!?"

Halos mapatalon si Mama sa lakas ng sigaw ko.

"O, bakit?" Pagtataka ni Mama sa reaksyon ko.

"A-ah.. wala po! Mama, ikaw na maghatid!" Sabi ko sabay abot ng tray pero hindi 'yon tinanggap ni Mama.

"Hindi! Ikaw na kaya mo na 'yan."

Hindi pwede 'to! Ayoko makita ang lalaking 'yon!

"Mama!!"

"Tairish!?" Galit na sigaw ni Mama na may kasama pang panlalaki ng mata kaya wala na akong nagawa.

"Okay po.."

No choice talaga kaya umakyat na ako para ihatid 'yung meryenda nila kuya. At kung nagtataka kayo kung bakit ganito ang reaksyon ko kay Ryoken dahil malaking parte s'ya ng nakaraan ko.

May ginawa s'ya sa'kin na naging dahilan kung bakit ganito ako. Kung bakit mas pinili kong si Ella nalang ang maging kaibigan at hindi na magdagdag pa.

Huminga muna ako nang malalim at kumatok sa pinto ng kwarto ni kuya.

"Bukas 'yan, Ma!" Rinig kong sigaw ni kuya kaya pumasok na ako.

Okay, hingang malalim at magkunwari na walang nakikitang hindi kaaya-aya.

Kaya 'yan, Tairish.

"Oh, Tairish! Nakauwi kana pala. Naalala mo pa s'ya? Si Ryoken?" Tanong ni kuya habang tinuturo si Ryoken.

Oo naman, hindi ko makakalimutan 'yan. Lalo na 'yung atraso n'ya sa'kin.

"Oo naman." Ngumiti ako kay Ryoken at tinignan s'ya nang diretso sa mata.

Ngumiti naman s'ya pabalik. At talagang natatawa nalang ako na nagagawa n'ya pa akong ngitian.

Nilapag ko na ang tray na hawak ko at agad na tumalikod. Aalis na sana ko nang magsalita nanaman si kuya.

"Oy! Bumati ka naman!" Sigaw ni kuya.

Nakakatuwa ka talaga minsan, Sean Brian.

"H-hello.. Ryoken." Sabi ko at binigyan ko s'ya ng isang ngiti.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon