T A I R I S H
M A M A R I E
Nakayuko ako at nagmamadaling maglakad sa hallway dahil may iniiwasan ako.
Hindi ko talaga kayang harapin si Kurt ngayon dahil doon sa tawag na 'yon.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang makakasalubong ko kaya agad akong nagtago sa gilid.
Please, sana hindi n'ya ako mapansin.
Naghintay ako ng ilang minuto at dahan dahan na sumilip sa pinagtataguan ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na si Kurt.
Akala ko mahuhuli ako.
Saktong pagharap ko naman ay nabungo ako sa kung ano.
"Aw--" napangiwi ako dahil medyo tumama 'yung ilong ko.
Nauntog pala ako sa kung sino.
Pero teka---
I gulped.
Pamilyar 'yung amoy na 'to..
Pag-angat ko ng tingin ko, nakatingin s'ya ng diretso sa 'kin.
Bakit sa lahat ng makakabangga ko s'ya pa!!
"Sorry." Kurt.
"S-sorry--"
Sabay kaming nag-sorry sa isa't isa.
"Ah--"
Magsasalita palang sana ako nang lagpasan na n'ya ako at iniwan sa kinatatayuan ko.
Nilingon ko s'ya at bumigat ang pakiramdam ko nang tuloy-tuloy lang s'ya sa paglalakad na para bang hindi n'ya ako kilala.
Mukhang kailangan ko na tanggapin na balik nalang sa dati ang lahat.
Siya si Kurt Ruzzle Javier na kaklase ko lang at kilalang-kilala sa Castillones Academy.
Pero narinig n'ya kaya lahat ng sinabi ko sa tawag?
Sa itsura n'ya kanina parang hindi naman.
Nagsimula na akong maglakad ulit papunta sa room dahil magsisimula na ang first subject. Nakakailang hakbang palang ako nang biglang may umakbay sa 'kin.
"Number mo miss?"
Napangisi ako kay Ryoken.
"O92222nog2nog." Sarkastikong sagot ko naman.
"Hahaha, nice number."
"Ewan sa 'yo, Ryo."
Pagpasok namin ni Ryoken ng room ay nabato ako sa kinatatayuan ko dahil halos nakaharang si Kurt sa pinto at may kausap s'yang babae.
Kaklase namin.
Napatingin s'ya sa 'min ni Ryo at agad din na umiwas. Bumulong s'ya sa kaklase namin na kausap n'ya at halatang kinilig 'yon.
At aaminin ko, nakaramdam ako ng selos.
Umupo na ang lahat pati narin kami ni Ryoken dahil nag-ring na ang bell.
"Gusto n'ya ng laro ha.." bulong ni Ryoken sa tabi ko pero hindi ko 'yon naintindihan.
"Ryo, may sinasabi ka ba?"
Ngumiti lang s'ya.
"Tairish, basta makisakay kalang. Makikipaglaro din tayo sa kanya." nakangising sabi ni Ryoken na hindi ko talaga maintindihan.
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
TeenfikceKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
