Season Two: Chapter 13

56 4 14
                                    

K E N T

Maiihi na yata ako sa paghihintay kay Gwen. Hindi naman dahil sa tagal.

Kung hindi dahil sa kaba.

Ngayon ko kasi balak magsabi ng tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Alam ko naman na wala akong pag-asa.

Ayoko lang ng regrets.

Ayokong pagsisihan na hindi ko sinabi sa kanya 'to kahit paano.

"Bakit? Anong panggugulo nanaman balak mo ngayong araw?" Iritado na tanong n'ya.

Bakit kahit naiinis na s'ya ang ganda ganda n'ya parin.

"Ayan.. Napakagaling magsabi ng hello."

Umirap lang s'ya na tinawanan ko.

"Hahaha.. ahm.. saan mo gusto pumunta? Bawal dito sa bahay kasi.. si Axel.."

Agad naman akong ngumuti at tumango-tango.

Agad naman akong ngumuti at tumango-tango

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam ko."

Alam ko naman na may gusto rin sa kanya ang isang 'yon simula nang mahirapan na akong makapasok sa bahay nila.

"Oo nga pala, pauwi si Mama, ipapakilala kita! First time ko magkaroon ng bestfriend kaya dapat makilala ka nun."

Bestfriend.

Hanggang doon ka lang, Kent Lozada.

Isang malalim na paghinga at hinawakan ko ang kamay ni Gwen.

"Tara sa mall, samahan mo ako." Sabi ko nalang at hinila na s'ya sa paglalakad.

Marami s'yang sinasabi pero hindi ko 'yon pinansin. Bakit pa kasi ako nagkagusto sa babaeng 'to.

Grabeng pagka-hopeless ko naman sa pag-ibig. Nakakahalata na ako sa tadhanang 'to eh. Pine-personal na yata ako.

Nang makarating kami sa bus stop, tahimik lang si Gwen. Nawala bigla 'yung daldal n'ya kaya tinignan ko s'ya na diretso lang ang tingin.

"Nga pala.. si Axel--"

"Ako muna." Putol ko sa sasabihin n'ya.

Hindi ko alam kung bakit parang alam ko na ang sasabihin n'ya kaya inunahan ko na s'ya.

Kahit manlang sana sa pag-amin manalo ako.

"A-ano 'yun?" Tanong n'ya at tinignan ako.

I smiled.

"I like you." Diretso kong sabi habang nasa bulsa ko ang mga kamay ko.

" Diretso kong sabi habang nasa bulsa ko ang mga kamay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon