Chapter 8: About her.

287 28 3
                                        

T A I R I S H
M A M A R I E

Class dismissed.

Napahinga nalang ako nang malalim sa tunog ng bell dahil sa wakas, makakauwi narin. Katatayo ko palang sa upuan nang magsalita agad si Ryoken.

"Tairish, sabay tayo." Ryoken.

"Syempre naman." Sang-ayon ko dahil inaasahan ko narin naman ang aya n'ya.

Habang naglalakad kami ni Ryoken sa hallway papuntang parking lot ay may sumulpot na sa harap namin na isa ring inaasahan ko. Hindi naman talaga natatapos ang araw ko na hindi ginugulo ng isang 'to.

Kurt.

"Tairish, sa 'kin kana sumabay." Straight faced n'yang sabi sa 'kin at hindi n'ya pinansin si Ryoken.

"Si Ryoken ang kasabay ko." Dahilan ko.

Alam ko naman kasing tungkol sa pagtu-tutor 'to, kaya n'ya ako pinapasabay sa kanya.

"Tuturuan mo pa ako." Kurt

Hindi nanaman ako makasagot. Hindi ako makaisip ng sasabihin ko. Bakit ba palagi nalang ako nata-trap sa sitwasyon na ganito.

"Pwede ba? tigilan mo na si Tairish." Ryoken.

Mukhang may kahahantungan nanaman 'yung sagutan nila kaya agad na akong pumagitna. Mamaya kasi kakaganyan nila ma-issue nanaman ako.

"Ryoken, mauna kana muna." Sabi ko.

Mukhang nagulat si Ryoken at hindi makapaniwala sa desisyon ko. Si Kurt naman nakuha pang ngumisi. Ayon nalang ang napili kong desisyon dahil alam ko namang hindi susuko 'tong Kurt na 'to sa pang-aasar n'ya.

"Okay, ingat ka." Ryoken.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kakabati lang namin tapos ito nanaman sa tampuhan.

"Sige, ikaw din."

Tuluyan nang umalis si Ryoken sa harap namin. Pinagmasdan ko lang ang likod n'yang paalis hanggang sa mawala na 'yon sa paningin ko.

Sigurado akong nagtampo nanaman s'ya.

"Hi?" Kurt.

"Ano!? Ano nanamang trip mo!?"

"Wag kang highblood."

Inakbayan n'ya ako at tinangay sa paglalakad n'ya.

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo, kaunti nalang mapupuno na ako sa 'yo." Sabi ko habang tinatanggal ko ang braso n'yang nakaakbay sa 'kin pero binabalik n'ya lang din ulit!

"Shut up, nagseselos na ako sa Ryoken na 'yon."

Bago pa ako malapag-react sa sinabi n'ya, nasa harap na kami ng kotse n'ya. Binuksan n'ya 'yon at mahina akong tinulak sa loob.

"Wag mo na isipin 'yung sinabi ko kanina." Sabi n'ya habang kinakabit ang seatbelt n'ya.

Bigla naman s'ya nag-lean forward sa 'kin at napapikit naman ako dahil doon.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Kurt.

Pagtingin ko may seatbelt na ako.

"Kinabitan kalang ng seatbelt kung makapikit ka d'yan." Sabi n'ya at nag simula na s'yang mag-drive.

"Hoy! Minor ka lang! Hindi ka pa pwede mag-drive!"

"Tapos?"

Napakakulit talaga ng lalaking 'to! Ang sungit pa! Mas masungit pa sa babae!

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon