T A I R I S H
M A M A R I EKanina pa talaga ako nagtataka sa mga tingin ng tao sa'kin habang naglalakad ako ngayon papasok.
I sighed.
Ano nanaman ba?
Simula nang maugnay ako kay Kurt naging pansinin na ako dito sa Castillones Academy.
"Tairish!"
Napalingon ako sa biglang tumawag sa'kin.
"Riye!"
Agad naman s'yang tumakbo papalapit sa'kin at niyakap ako nang mahigpit.
"I miss you!" sabi n'ya habang yakap ako at natalon talon pa.
"Ako din!" Sagot ko naman at kumalas na ako sa yakap n'ya.
"Tara! Pakilala ko sa'yo si Rafaella!" Sabi ko at hinila na si Riye.
Mukhang masaya 'to dahil tatlo na kami at sigurado ako na magiging magkasundo sila ni Ella.
°°°°°
M I K A E L
A U S T I N"Bilisan mo na kasi.. labas na." bulong sa'kin ni Tyler habang tinutulak-tulak ako ng mahina.
Nakatago kami dito sa gilid.
"Kung ikaw kaya!" Bulong ko din.
Mukha kaming tanga dito sa sulok habang naghihintay.
By the way, ako nga pala ang nag-iisang Mikael Austin Celestine. Surfexcuse's, "Handsome" lead guitarist.
At kung nagtataka kayo kung bakit nandito kami sa gilid ay inaabangan namin si Rafaella. At ayun nga malapit na s'ya dumaan dito.
"Bobo, bilis na."
Siraulong Tyler 'to.
Ayoko nga lumabas, mamaya madagdagan nanaman ang mga fangirls ko. Nakakasawa maging gwapo. Seryoso.
Wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas sa pinagtataguan namin.
"Hi!" Bati ko kay Rafaella nang harangin ko s'ya.
"Uhm.. Hi?"
Maganda nga si Rafaella pero hands off na 'ko dito.
Walang talo talo pagdating sa kaibigan.
Nakita ko namang hindi nalabas si Tyler sa pinagtataguan namin.
Problema ng gagong 'to?
"Oy, Tyler!" Sigaw ko at parehas kaming nagulat ni Rafaella nang bumagsak s'ya sa harap namin pero agad din s'yang tumayo.
Napaghahalataan.
"H-hi.." bati n'ya kay Rafaella na mukhang na awkward sa pagkakabagsak n'ya.
First time ko makita na ganito si Tyler.
"Hi, Shane." Bati din ni Rafaella.
May gusto yata sa isa't isa 'to eh.
"Pwede mo ba kaming tulungan?" Tanong ko kay Rafaella.
Masyado na kasing matagal 'yung moment nila.
"Ano 'yun?"
Inakbayan ko s'ya at kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo ni Tyler.
Agad din naman tinanggal ni Rafaella ang pagkaka-akbay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/40575859-288-k205563.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Counterplay Love
Novela JuvenilKurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy. He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back to life, his first love who...