Season Two: Chapter 8

80 5 14
                                        

K U R T

"I told you wala akong alam! Itigil mo na nga!"

Kanina pa kami nagtatalo ni Tairish dito sa tapat ng resthouse dahil pinipilit n'ya na ako ang nag-set up sa 'min dito.

At kanina n'ya parin ako binabato ng kung anu-anong madampot n'ya sa buhangin!

"Pa'no tayo napunta dito?! Hindi ako pwede mawala!" Sigaw n'ya.

"Wala nga akong alam! Nagising na lang ako nandito na tayo! Akala ko nga multo ka!" Sigaw ko pabalik.

"Multo!? Bakit namatay ba ako!?"

"Nawala lang!" Sigaw ko pabalik na medyo pinagsisihan ko dahil bigla s'yang natahimik.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil matapos ng lahat hindi ko akalain na magtatalo ulit kami ng ganito.

Parang nung unang beses na nagtalo kami sa Castillones Academy.

"Nagsasabi ako ng totoo.. wala akong alam." Sabi ko at tinignan s'ya na nakaupo na sa buhagin at nakatitig lang sa dagat.

"Kailangan ko bumalik agad." Tairish.

"Bakit? Dahil ba kay Clark?"

Please lang, Kurt.

Wag mong simulan.

Tumabi na lang ako sa kanya sa pag-upo pero naglagay parin ako ng distansya para hindi s'ya mailang.

"Walang signal." Tairish.

"I know."

"He needs me.."

Napatingin ako kay Tairish nang sabihin n'ya 'yon.

Dahil ngayon ko lang ulit narinig 'yung boses n'ya na 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil ngayon ko lang ulit narinig 'yung boses n'ya na 'yon. 'yung boses n'ya na malungkot at puno ng emosyon.

I want to give her a hug right now but i need to keep my distance.

Napaka lapit n'ya sa 'kin pero napakalayo namin sa isa't isa.

"Isa lang si Clark. Kami marami kaming kailangan ka."

"Hindi si Clark ang tinutukoy ko."

Nagtataka akong tumingin kay Tairish dahil sa sagot n'ya.

"Then who?"

Hindi na s'ya sumagot.

Yumakap na lang s'ya sa tuhod n'ya at yumuko.

Sino naman 'yon? Kung 'yon man ang bago n'ya at hindi si Clark, siguro mas matatanggap ko pa.

Sa totoo lang, kung wala si Tairish ngayon sa tabi ko, nag-panic na siguro ako kung paano makakaalis dito.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon