F I N A L E

68 5 28
                                    

T A I R I S H
M A M A R I E

[Two weeks later..]

Dalawang linggo na ang nakalipas nang muli kami na magkita ni Kurt. Hanggang ngayon detalyado parin sa isip ko ang lahat ng nangyari nung araw na 'yon. Dahil sa limang taon na namuhay ako sa lungkot, ang araw na 'yon ang nagparamdam sa'kin na hindi pa huli ang lahat.

Na pwede pa kami ulit magsimula na dalawa.

At sa tinagal ng panahon, hindi ko parin maisip kung anong mayroon sa'kin at bakit ako parin ang pinili n'ya.

Buong byahe lang ako na nakatitig kay Kurt habang patuloy s'ya na nagku-kwento ng kung anu-ano na nangyari sa kanya.

Kanina n'ya pa sinasabi sa akin ang lahat ng balak n'ya.

At kasama ako sa mga plano n'yang 'yon.

Paghinto ng sasakyan, kasabay ng pagharap n'ya sa'kin ay agad ko s'yang hinalikan sa pisngi.

"I love you." Sabi ko.

Hinding-hindi na ako mahihiya pa na sabihin sa kanya ang mga salitang 'yon.

He immediately smiled.

"I love you." Walang sawa na sagot n'ya.

"Ready? Kanina ka pa nila hinihintay." Sabi n'ya na nagpabalik ng kaba ko kanina nung paalis kami mula sa bahay.

Bumalik narin kami nila kuya sa dati naming bahay at agad na namin pinutol ang koneksyon namin kay Papa.

Hindi naman lahat ng bagay kayang ibalik sa dati, at mas lalong hindi kayang ibalik ang bagay na pinipilit nalang.

Pero iba ang sa'min ni Kurt..

Maybe we're just really meant to be.

Tumango ako bilang sagot at sabay na kaming bumaba ng kotse n'ya. Hindi na ako nakapagsalita pa habang magka-hawak kamay kami na papalapit sa studio ng SurfExcuse kung saan nandoon sila.

Rafaella.

Tyler.

Axelson.

Gwen.

Kent.

And Ryoken.

Nakakalungkot lang na hindi ko na naabutan ang pag-alis ni Riye. Pero matapos ng araw na 'to baka tumawag ako sa kanya. Sila Mikael at Cyra din daw wala ngayon dito sa Manila.

Ito na ulit ang unang beses na sasalubungin namin sila na magkasama.

Hawak na ni Kurt ang doorknob nang hawakan ko ang kamay n'ya doon.

"Hindi ba sila galit?" Tanong ko ulit.

Ngumiti lang s'ya at pinihit na ang pinto.

Ngumiti lang s'ya at pinihit na ang pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon