Chapter 13: Tyler Shane Loyola.

261 20 9
                                    

T Y L E R S H A N E
L O Y O L A


"Dude, ano kaya ang nangyari kila Clark? Sa tingin mo stunned 'yun kay Riye myloves?" Tanong sa'kin ni Mikael na kanina pa paulit-ulit.

Badtrip naman! Naka-earphones na ako pero rinig ko parin 'yung boses n'ya! Nagpatugtog nalang ako para kumalma rin ako kahit paano. Medyo nakakainis kasi na pinaghandaan namin 'yung bagay na 'to tapos biglang gano'n.

"Ano ba!? Wala nga akong alam! Badtrip ka naman, ang ganda ganda ng soundtrip ko dito." Sagot ko.

Nakikisabay kasi sa inis 'tong gunggong na 'to. Paano ba naman, ang ganda na talaga nung flow kanina tapos biglang sinapian ng kung ano si Clark at hinatak 'yung mukhang haponesa kanina o talaga yatang haponesa 'yon.

"At anong myloves? Kilala mo 'yon?" Tanong ko naman.

Agad s'yang ngumisi.

Ngising aso!

"Alam mo.. dude. Kapag maganda, matik na 'yan! Myloves ko na 'yon." sabi n'ya sa'kin na may pag-akbay pa.

"Lul! Ayan tanungin mo si Kurt na kanina pa tulala." Sabi ko nalang.

Bumaling naman 'yung tingin n'ya kay Kurt na tulala nga. May kanya-kanya talaga silang mundo.

"Kuru!" Tawag ni Mikael kay kurt.

Agad na humarap si Kurt at halatang asar na asar sa tinawag sa kanya kaya napahalakhak ako. Kuru, short term daw kasi ng Kurt Ruzzle. Mga pauso talaga nitong mokong na 'to. Delikado na talaga 'to minsan kay Kurt.

"Gago mo.. tigilan mo nga 'yang kabaklaan mo." Asar na sabi ni Kurt kay Mikael pero tumawa lang 'to

"Easy lang! Itatanong ko lang kung kilala ba ni Clark 'yung Riye na 'yon?" Tanong ni Mikael na medyo natatawa parin.

Ang lakas mang-asar nito ni Mikael. Isa't kalahating ogag din talaga. Nagkibit-balikat lang si Kurt at hindi na s'ya ulit pinansin.

Kawawang Mikael.

"Aray! Seenzone ka!" Sabi ko na natatawa.

Agad naman ako sinapak sa braso ni Mikael.

"Makababa na nga lang! Walang pumapansin sa gwapong presensya ko dito!" Sabi n'ya at lumabas na.

Minsan talaga isip bata 'tong Mikael na 'to.

"G*go, walang gano'n!" Sigaw ko pa bago s'ya makababa.

Bumaling naman ang tingin ko kay Kurt na kanina pa tahimik. Kanina pa s'ya seryoso at hindi manlang kami kinakausap.

"Kurt, bakit nga ba kasi biglang hinila ni Clark 'yung babae kanina? Sayang ang galing pa naman." Tanong ko.

"Tanong mo sa kanya."

Kahit kailan talaga ang tino nitong kausap.

"Iwan na muna kita d'yan." Sabi ko nalang at lumakad na pero bago pa ako makalabas bumukas na 'yung pinto at pumasok si Clark na hindi maipinta ang mukha.

Hindi n'ya ako pinansin at mabilis akong nilagpasan. Mabilis s'yang lumakad patungo sa direksyon ni Kurt.

"Oy.. Clark, anong nangya---" hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko nang bigla n'ya sugudin ng sapak si Kurt.

Wtf! Anong nangyayari?!

Agad akong tumakbo papalapit sa kanila, pumutok 'yung labi ni Kurt dahil sa sapak ni Clark. akmang susugudin n'ya ulit si Kurt na nakatungo lang at ngumingisi pa kaya agad kong pinigilan si Clark at hinila palabas.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon