Chapter 23: Let's just fall inlove again

193 17 7
                                    


T A I R I S H
M A M A R I E

N

andito kami ngayon nila Ella at Riye sa canteen dahil lunchbreak. Kaso itong dalawang 'to kanina pa walang imik. Kulang nalang maubusan na sila ng hangin sa kakabuntong hininga nila.

"Hoy, Ella at Riye, anong problema?"

Tumingin lang sila sa'kin tapos bumuntong hininga ulit at ayon nagmukmok nanaman.

"Bakit ikaw, Tairish.. ang saya ng lovelife mo?" Ella.

"Oo nga, agree ako d'yan." Riye.

At sabay pa silang bumuntong hininga kaya napa-face palm nalang ako.

Ano bang problema ng mga 'to?

"Kumain nalang kaya kayo, kung anu-anong sinasabi n'yo." Pag-iiba ko ng topic.

Nagiging kakaiba kasi ang kinikilos ko kapag si Kurt ang pinaguusapan.

Tapos 'yung kagabi pa.

Hindi sinabi ni kuya kung anong pinag-usapan nila. Si Kurt naman nung tinanong ko s'ya sa call, ayaw n'ya sabihin. Halos isang oras din kasi kaming magka-usap sa phone kagabi.

"KYAH!! Ang gwapo ng mga mag-au-audition sa Rhythm Club!"

"Oo nga! Balita ko band din daw!!"

"Wah!! Hindi na nag-iisa ang SurfExcuse!!"

"Lahat daw transferee!!"

Nagulat kami nang halos lahat ng kumakain sa canteen ay pumunta sa Campus ground kung saan may malaking stage at parang may pinagka-kaguluhan.

"Tara nuod tayo!!" Sabi ni Ella.

"Tara!" Pagsang-ayon ni Riye at as usual, hinila nanaman nila ako.

"Rhythm Club? Ano 'yun?" Tanong ko kay Ella habang naglalakad kami papuntang Campus Ground.

"Seriously? Tairish?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella.

May mali ba sa tanong ko?

"I know that club, isa 'yun sa mga club dito sa school. Iba't-iba kasi ang club dito, mayroon sa sayaw, acting, and music." Paliwanag naman ni Riye.

"Yep! At ang Rhythm Club ang humahawak sa mga Singers, bands, at iba pang related sa music." Ella.

"Mayroon pala tayong ganon?"

Ngayon ko lang kasi nalaman na may mga ganoon na activities dito.

"Dito ka ba talaga nag-aaral, Tairish? Mas marami pang alam sa'yo si Riye!" Sermon ni Ella.

Malay ko ba kasi.

Busy ako masyado sa pag-aaral kaya hindi ako aware kung anong mayroon sa school na'to.

"Balak ko kasi sumali doon kaya nag-inquire ako." Sabi naman ni Riye.

"Marunong ka kumanta?"

Hindi ko pa kasi s'ya naririnig kumanta.

"Yeah.. actually, kami ni Kuya."

Si Ryoken?

Ang alam ko nga walang ka-talent talent 'yon!

"Si Ryoken? 'yung hapon na 'yon? wala ngang talent 'yun!"

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon