Season Two: Chapter 4

101 5 9
                                    


C L A R K

"Where are you going?" Tanong ko sa paalis na si Tairish.

We're living in the same roof, dahil ayun ang gusto ng mga magulang namin.

Wala 'yong problema sa'kin.

"Ano bang pake mo?" Sagot n'ya at umirap nalang.

Malayong-malayo sa babaeng nakaupo sa sahig five years ago, habang umiiyak.

Agad akong tumayo at hinabol s'ya gamit ang paghawak sa braso n'ya.

"I'm asking you."

Humarap s'ya at agad na tinapik ang kamay ko na nagpasigaw sa'kin.

"Aray!"

"Ano?" Tairish.

Agad kong tinignan ang kamay ko na kanina lang napaso dahil sa pagluluto ng almusal para sa'ming dalawa.

"Anong.."

"Napaso." Sagot ko habang hinihipan ang kamay ko.

Hindi s'ya nagtanong pa at agad na binaba ang bag n'ya at pumuntang kusina.

Tahimik ko lang na pinagmasdan ang pagbalik ni Tairish at walang salita n'yang kinuha ang kamay ko at nilagyan 'yon ng kung anong cream.

Akala n'ya napakagaling na n'ya maging bato.

Pero nakikita ko parin kung gaano s'ya kahina.

I still can see how fragile she is.

Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman 'to para sa kanya.

And my mind is in the middle of a chaos after i saw her..

After i saw Riye Akemi.

"Kikitain ko si Mama." Tairish.

"Hatid na kita." Sagot ko.

Mula sa kamay ko ibinaling nya ang tingin nya sa'kin.

I don't even know why it always makes me nervous.

Those emotionless eyes of her.

Hindi naman ako ganito sa kanya pero matapos ng araw na 'yon..

°°°°°

Nakasunod ako ngayon kay Tairish.

We've been together for three years pero napakatipid n'ya parin makipag-usap sa'kin.

Three years..

Na malayo sa kanilang lahat kasama ang babaeng 'to.

Sabi ko sa sarili ko i will make her life a living hell with me.

Pero sa pagdaan ng taon.

Unti-unting nawawala ang galit ko sa kanya.

And i'm starting to hate myself even more.

Huminto ako sa pagsunod sa kanya nang huminto s'ya sa isang batang nasa gilid ng kalye.

"Hi, where's your parents?" Tanong n'ya dito.

Ngayon ko lang yata narinig ang lambing ng boses n'ya.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon