Season Two: Chapter 15

52 5 14
                                    

K U R T

[One month later..]

Kanina pa ako nakatayo at nakatitig sa malaking gate ng cemetery na 'to.

It's been a long time, Natalie.

Tumuloy na ako sa loob at sa tagal ng panahon wala parin naman nagbago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumuloy na ako sa loob at sa tagal ng panahon wala parin naman nagbago.

Hindi katulad sa buhay naming lahat.

Nang makarating ako sa grave n'ya ay agad akong umupo at sumandal doon. Hindi ko na iniinda  pa 'yung dumi.

"Sorry.. ngayon lang ako bumalik makalipas ng limang taon." Bungad ko sa kanya.

Limang taon kasi akong nalunod sa sarili kong lungkot at hindi nag-function ang sarili ko ng tama.

"Remember what i've said? Nung sinabi kong nakita ko na s'ya? I lost her, Natalie.."

She's my bestfriend. And our friendship didn't end just because she doesn't feel the same way.

"It's been five years, Natalie.. kumusta? Nagtatampo ka na ba sa'kin?"

Natawa nalang ako.

Natuluyan na yata talaga ako dahil kahit puntod kausap ko na.

Inalis ko na s'ya ulit sa isip ko. Matapos nang araw na 'yon kahit banggitin ang pangalan n'ya hindi ko na ginawa.

I'm doing good. Though, hindi pa ako okay, tinutulungan naman ako ng mga kaibigan ko para kalimutan ang lahat.

Ilang taon ang nasayang..

Siguro panahon na para magplano para sa sarili ko.

Kahit ibig sabihin pa, hindi na s'ya kasama sa bubuoin kong plano.

I sighed.

Tumayo na ako at nagpagpag.

"Dumaan lang ako, Nat. Susubukan ko bumisita ulit. Hinihintay na nila ako." Sabi ko sa kanya at nagsimula na lumakad palabas.

Kumpleto na sila sa studio at ako nalang ang hinihintay. Ito ang unang beses na magkikita-kita kami ng kumpleto matapos ng lahat nang nangyari nung nakaraan.

Sila nalang ang mayroon ako, hahayaan ko pa ba.

Tahimik lang akong naglalakad nang mapahinto ako.

Kung minamalas ka nga naman..

Sa lahat ng makakasalubong ko bakit ang tao pa na 'to.

Sa lahat ng makakasalubong ko bakit ang tao pa na 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon