Kurt Ruzzle Javier is well-known for being the vocalist of the band "Surfexcuse" at the Castillones Academy.
He got the looks, wealthiness, and he can get everything that he wants except for one thing, to get Natalie back, his first love who took he...
Ilang araw narin ang nakalipas matapos ko s'ya sunduin mula sa rest house ni Ryoken. Matapos n'ya ako yakapin, wala akong narinig pa sa kanya kahit isang salita.
Kahit isang salita lang sana.
Napabuntong hiningi na lang ako ng malalim habang hinahanda ngayon ang pagkain n'ya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagkukulong palagi si Tairish sa kwarto n'ya at bihira n'ya kainin lahat ng hinahanda ko. Hindi naman n'ya 'yon ni-locked kaya malaya kong nahahatid sa kanya ang mga niluluto ko.
But still, i didn't hear a single word from her since that day.
Nang matapos ko na lahat ng niluto ko ay nilagay ko na 'yon sa tray para ihatid sa kwarto n'ya.
Sabi ko dati, i will make her life a living hell with me. Wala naman akong ginawa para tuparin 'yon pero mukhang nagagawa ko 'yon sa kanya effortlessly.
I think being with me makes everyone like her.
Siguro ako nga talaga 'yung dapat mawala sa kanilang lahat.
I sighed.
Tahimik ko lang na binuksan ang pinto n'ya. Nakatalikod s'ya sa 'kin habang nakahiga at nakaharap lang sa bintana n'ya. I know she's awake.
Inilapag ko muna sa side table ang dala ko at umupo sa dulo ng kama n'ya.
"Please.. will you talk to me, at least?" Panimula ko.
"Hindi ko alam kung anong nangyari, kung anong napag-usapan n'yo, pero 'yung yakap mo sa 'kin nung araw na 'yon, Tairish.. 'yung impit na iyak mo.. anong ibig sabihin no'n?" I asked her.
She cried that day.
Nararamdaman ko parin kung gaano katindi na nanginig ang buong katawan n'ya sa iyak na 'yon.
Wala s'yang sinabi na kahit ano.
She just cried, so hard.
"I like you.. you know? Siguro akala mo hindi ako seryoso sa lahat ng pinapakita ko sa 'yo.. pero totoo 'yon, Tairish. Lahat. Nagsimula 'yun nung araw na nakita kitang ngumiti sa bata na 'yon. I'm so amazed.. that you can smile like that.. hindi mo kasi pinakita sa 'kin 'yon kahit isang beses." Natatawa kong sabi.
Saglit ko s'yang tinignan na diretso parin ang tingin sa bintana nitong kwarto n'ya. Hindi manlang n'ya iniinda 'yung sinag ng araw.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.