Russel Han P.O.V.Nag lalakad ako sa hallway ng mapansin ko si Diane na lumabas sa office. Galing siya sa mama niya.
Sinundan ko nalang siya. Hindi niya ako napapansin kasi malayo ako sa kanya. Pupunta siguro siya ng canteen dahil doon ang direksyon niya.
Sinundan ko nalang din siya. Um-order siya ng cake. Pag tapos non, binayaran niya at nag hanap ng pwesto. Ako naman, nakaupo lang sa tabi ng vacant table.
Pinag mamasadan ko lang siya. Ang ganda niya ngayon, nag ayos siya para siguro sa mama niya. Mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
Napansin ko habang kumakain siya may lumapit sa kanyang lalaki. Teka? si Kence yun ah. Parang makiki share pa yata eh ang dami namang vacant dahil wala gaanong studyante ngayon dahil mamaya pang tanghali ang pasok.
Pumayag naman si Diane at umupo naman si Kence. Pinapanood ko lang sila. Medyo naiinis lang ako. Ayokong may kausap na lalaki si Diane at mas lalo na yang si Kence.
Mukhang tama nga ang kutob ko na may kakaiba diyang kay Kence. Sa tingin at kilos niya lang alam ko na.
Nag usap lang sila at nakita kong nag-blush si Diane. Shemay lang, ang cute niya.
Kaso eksena si Kence kaya tinawagan ko. Hahaha. Panira moment ako sa inyo. Hahaha.
Nung pag tawag ko sumagot naman agad si Kence.
"Pre, may meeting daw sabi ni Cap sa tambayan, ngayon na" sabi ko. Syempre di yon totoo.
"Ok sige"
*toot toot*
in-end ko na.
Umalis na siya at ang saya ko naman dahil wala na siya.
Nung sulyapan ko si Diane, ngiting-ngit naman siya -__- Dahil ba don ? kay Kence kaya siya ngumingiti? Dapat sakin eh -___-
Sinubsob niya pa mukha niya sa table. Mga babae nga naman.
Pag kinikilig -_____-
I decided na lumapit sa kinaroroonan niya.
"Hi Diane" bati ko sa kanya at umupo sa inupuan ni Kence.
O___O Diane
-____o Ako
Gulat na gulat si Diane. Dati close na close kami nung hindi pa ako umalis pero ngayon nawala ang closeness namin.
"Ah, H-hello" sabi ni Diane. I think nahihiya yan. Hahaha. Ang cute niya talaga.
"Kumusta na Diane? Long time no talk." panimula ko. Para na din mawala yung hiya at awkwardness saming dalawa.
"A-ayos lang ako." Nakangiting sabi niya. Ang ganda niya talaga. Lalo akong na iinlove sa kanya.
"Good." sabi ko.
Nankangiti lang siya sakin. Ganon din ako.
"Akala ko may practice kayo nila kuya?" sabi niya
"Ah, tapos na. Kanina pa, nag papahinga nalang kami. Hehe" sabi ko.
"Ah" matipid niyang sabi. Nag kwentuhan pa kami ng nag kwentuhan. Na-miss ko ang presence ni Diane.
Nakakatuwa na napapangiti ko ulit siya sa mga pang aasar ko sakanya. Hindi pa pala siya nag babago. Kapag inaasar ko, namumula, naasar at natatawa nalang. Ang ganda niya.
Kahit nerd pa siya, tanggalin lang ang salamin sa mukha niya, para siyang anghel na nalaglag sa kalangitan at nasamabot ng isang gwapong tulad ko. Hahahaha.
This feelings, na okay na kami. Sana lang maging close pa kami tulad ng dati.
==========================================================================================================================================================================
Short UD po. Nag hahang ang laptop ko :(
Panay ang reload kaya panay din ulit at panibagong type ko T_T Asar men.
SANA PO SUPORTAHAN NIYO PA ITONG STORY KO. HAPPY READING PO :)
Itutuloy...
Next chapter x10 Mag ayos
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...