x23 Aish

110K 4.4K 242
                                    

Diane

Halos buong umaga nandito ako sa roof top ng engineering building. Mas fresh kasi dito at talagang nakaka relax. Maga na nga ang mata ko kakaiyak kanina, buti nga at tumigil ngayon. Gusto kong bawiin yung mga sinabi ko kanina kay Kence na iiwasan ko na siya.

Nagalak naman ang puso ko sa sinabi niyang mahal niya ako. Nabigla ako doon. Nag didiwang ang mga cells ko sa puso.

Tanghali na at napag desisyonan kong ilitaw ang kagandahan ko sa ground ng campus.

Nandito na ako ngayon sa canteen at saktong nakita ko ang bestfriend ko. Since natapos yung party na naganap sa mansyon, hindi ko na nakapiling tong babaeng to.

"Kumusta naman ang red hair natin best! " sabi niya at in-emphasize ang salitang red hair.

Kumuha ako ng konting buhok ko at tiningnan ito. "Oo nga pala, hindi pa ako nakaka pag change color. Samahan mo ko mamaya sa parlor ha " sabi ko.

Inirapan naman ng gaga.  "Ano?  Nakapag decide na ka na bang ibulgar ang tunay mong ganda?  Hello to earth na Diana Elle Park-Sy" pasigaw niyang sabi at syempre naagaw ng atensyon namin ang mga tao dito. Aish!  Bobita tong babaeng to!  Umugong na naman ang mga bulungan.

"Ah kaya pala siya red hair kasi ginagaya niya si Ms.Diana."

"Assuming! Akala mo ang GANDA! "

"Walang kapatid si Dwayne na nerd no!  Eew lang "

Yan ang bulungan. Pwe!  Bulungan ba yon at rinig na rinig ko mga pinag sasabi nila. Hiyang hiya naman ako sa magaganda kong tenga.

Sa inis ko, hinila ko palabas si Clare na dapat susubo palang ng burger niya. Dinala ko siya sa payapang lugar kung saan matatahimik na ang kaluluwa niya. Hahaha.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa na dahilan para tumaas ang kaliwang kilay niya.

"Scanning me?  What's up!  The problem? " sabi niya in mataray voice.

"Mas maganda ako sayo best " sabi ko at tumawa ng malakas.

"Baliw na ang bestfriend ko " sabi niya at nag tawanan lang kaming dalawa. Minsan mga baliw kami, na miss namin ang isa't isa. Kapag nasa ganong moment kami, minsa nag pipisikalan kami. Para na kaming mag kapatid niyan. Loka nga lang. Tinanggal ko ang eye glass ko.

"Diana? " pag lingon ko. Laking gulat ko nang makita ko siya.


Clare P.O.V


Wrong timing ang pag tanggal ni besy ng eye glass niya. Gulat na gulat ang gaga!  Sinabi ko na sa kanya na wag na siyang mag pa bago bago ng anyo. Alam mo yun?  Yung tipong pag hindi siya naka eye glass ay Dyosa ang peg niya. Parehas kaming maganda correction yan!  Tapos kapag naka eye glass, wagas laitin ng tao dahil ang pangit DAW niya.

Hello lang sa mga matatalas ang dila, kahit ganon siya, nakikita pa din ang simplicity sa kanya.

Well, back to reality nga. Nagulat siya dahil nandito sa harap namin ang isang walangya na laging nag papaiyak sa bff ko— si Kence.

"Diana! Long time no see " said he.

Hindi mapakali ang besty ko. Kahit ako ay hindi na din alam ang gagawin, baka mag taka si Kence kung bakit kami mag kasama ni Diana?. Yari na to.

"I-I'm fine," said Diane without looking at him. Tingnan mo!  Sabi bi Kence 'Long time no see' but her answer is ' I'm fine'.  Tinatanong ba siya. Gosh friend!  Your ruining my beauty! And  Hey friend!  You look obvious, I thought that you're not going to give up and you will be strong kapag kaharap mo siya. Aish!  Fate!? What the hell are you doing with both of them. Nasisira ang kagandahan ko!

Napatingin sa akin ang halimaw na to. "Diba best friend mo si Diane?  Nasaan siya? " wow lang!  Mukha ba akong lost and found.

"Nasa har—Ouch! " pinutol ni Diane ang sinabi ko. Kinurot niya ako sa tagiliran kaya napa ouch ako. Sa harap kasi ni Kence ngayon, si Diane ay bilang Diana muna.

"Bakit mo siya hinahanap? Lalaitin mo na naman ba siya? " mataray na sabi ni Diana. Great!  Palaban. Hahaha.

"No, gusto ko lang siyang makita. Masama ba? " cold na sabi ni Kence.

Baliw tong kaibigan ko. Kinikilig na yan ng palihim.

"Wala siya dito. Get lost" sabi ni Diana. Omg. Pinapaalis niya si Kence. Sabagay, ibang tao nga pala ang kasama ko.

"Ang sungit." Aalis na si Kence pero may sinabi pa to.

"Mag kikita pa tayo. May dapat akong malaman sayo " then he stormed out.

"Ano yon best? " tanong ko sa kasama ko na naka hinga na ng maluwag.

"Ewan. Aish! " sabi niya at sinuot ulit ang eye glass.

"Bat mo tinanggal?  Ganda mo na eh! " simangot ko.

"Pake mo ba?  Pinapahamak ako eh," sabi niya at irap sa kin. Lakas ng tama eh. Ganyan ang magaganda. Hahaha.

At dahil half-day lang ang klase, we decided to go out and change our hair color sa parlor. Exciting diba? Haha.


Kence POV

I was like missing puzzled. Yung Diana na yon, hawig na hawig ni Diane. At kasama niya pa ang best friend ni Diane na si Clare that has a blonde hair.

Last time I saw there ay sa party. What's with their hairs?  Si Clare na blonde ang buhok at si Diana ay red ang buhok at mag katulad na mag katulad sila ni Diane.

Naguhuluhan na ako.


Russel Han POV


Hindi ko pa nakikita si Diane since natapos ang party. Miss ko na siya. Ngayon alam na naminsa sarili namin na gusto namin ang isa't isa.

May problema nga pala akong nasagap kahapon. Si Dwayne, tinanggal na si Kence sa grupo. Nakakalungkot ang nangyaring yon. Alam ko na din ang lahat tungkol sa pamilya nila Diane at sa pamilya nila Kence. Paano ko namalan?  Ano pang silbi ng salitang bestfriend.

Kaya hindi ko na hahayaang masaktan  si Diane kapag nalaman niya ang totoo. Wala na din akong paki alam kung gawin ni Dwayne sa akin ang pag tatanggal kay Kence sa grupo. Mahirap man pero sa ikakasaya ko naman diba?  Lalo nat gusto din ako ni Diane. :)

============================================================================================================================================

ANG GANDA KO HAHAHA. ANO?  NAGULUHAN BA KAYO SA KWENTO?  GUYS ALAM NIYO USO COMMENT O KAYA VOTES!  INSPIRASYON KO KAYA YON MULA SA INYO. HEHEHE.

NAKAKAILANG CHAPS NA BA AKO AT GULONG GULO PA KAYO?  HMM, HABAAN KO BA ANG STORYANG TO?  GUYS!  FREE TO COMMENT :)

Wait for the other chaps!  :')

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon