Kence's P.O.V.
Dalawang linggo.
Dalawang linggo ang nakalipas na nanatili kaming masaya. Masaya ang lahat. Masayang masaya kami ni Diane. Ang buong grupo.
Ngayong araw ay babalik na kami sa eskwelahan. Wala nang problema dahil maayos na ang lahat. Nag kapatawaran na ang dalawang panig. Kaya naman masaya na kami. Ito na ang ending. Salamat.
Pero bago matapos ito. Ihahayag ko muna kung paano nag kapatawaran ang dalawang panig.
Flashback
Pag katapos mag tanghalian ay kaniya kaniya na kaming gawain. Hindi kami mag kasama ni Babyloves Diane dahil nag uusap silang mga head nang Scorpion Gang. Syempre, wala naman akong alam doon. Sila sila lang, privacy na din iyon. Kaya nag stay muna ako sa parang play room nang hideout nila. Yung sa mga mall na mga Tom's World parang ganon. Nag baril barilan muna ako baka sakaling matuto. Astig nga eh dahil 3D ang game. Parang Hunger Games kaya may thrill at nakaka gana.
Pag katapos noon ay pintawag ang lahat sa isang parang auditorium. Grabe lang dahil parang hindi hide out sa laki ang lugar na ito. Parang mansion o isang buong unibersidad sa sobrang lawak at laki.
At ang lahat ay naka tipon na. Medyo malayo ako kay Diane eh. Alam niyo yung sa mga may meeting kapag CEO, President at a head nang office. Ganon kaya nalalayuan ako. At nakapaligid ang ibang miyembro. Miss ko na siya dahil ilang oras kaming hindi mag kasama. Masyado siyang busy ngayon.
"Papasukin niyo na siya" utos ni Diane sa mga miyembro ng SG. Sumunod naman sila at pinapasok ang may kagagawan ng lahat. Taksil kung baga sa kanila. Si Ayana Sheen Silva.
Naka upo ang lahat. Tumayo si Diane pati si Dwayne. Ganon din si Russel, Lance at Clarence.
Mukhang mahigpit ang hawak nila kay Ayana pero parang wala lang kay Ayana iyon. Inilapit si Ayana Sheen kila Diane. Nag salita si babyloves. Hays. Miss ko na talaga siya.
"Lahat nang naririto. Saksi kayo sa kung ano man ang sasabihin at gagawin ko" sabi ni Diane. Hindi lang sa mga miyembro nang SG. Sa tingin ko, iba't ibang grupo nang gangster to. Kinalbit ko si Ate Khey.
"Bakit sobrang dami?" tanong ko. Mag katabi lang naman kami. Diba, gangster din pala itong ate ko.
"Iba't ibang grupo nang gangster ito. Kabilang na ako, na gumagalang at mataas ang tingin sa Scorpion Gang. Lahat nang nandito ay ang grupo nang wala nang balak makipag taasan pa nang ranko sa Princess at Prince Scorpion" paliwanag nito.
Tumango nalang ako bilang pag tugon na naiintindihan ko na. Sobra ngang nakaka takot ang mahal ko.
"Sa harapan ninyo. Nakikita niyo ang babaeng taksil na ito. Ang taksil na nag tangkang kumitil sa buhay namin. Ang taksil na nag bayad nang utang sa pinaka karibal kong si Kevin. Ang taksil na pinatawad ko na" nagulat ang lahat sa huling sinabi ni Diane. Kahit ako. Pero bakit ? Sabagay. Malinis ang kalooban ni Diane.
"Princess, ang taksil ay may kabayaran" sabi nang isa sa mga SG
"Alam ko. Pero batid kong may natitira pang bait sa puso ni Ayana" sabi ni Diane at tinignan si Ayana. Tumingin si Ayana kay Diane. Napayuko siya sa mga ibang gangster. Kung titignan ang ibang gangster, nakakunot ang noo nito.
"Ihahatid ka namin sa malayong lugar. Kaya naman lumayo at kalimutan mo na kami. Maging ang nakaraan mo" sabi ni Diane. Gaya pa din ay naka tingin ulit si Ayana kay Diane. Mukha naman nang mag ba bagong buhay na siya. Sana.
"Naniniwala akong sa masasamang tao lang kayang gawin ni Princess ang bagay na hindi dapat ganito"
"Tama si Princess Scorpion, mag bagong buhay ka na Ayana"
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...