UD na. Picture ni Dwayne Elgon Park-Sy.
Dwayne P.O.V
Ako nga pala si Dwayne Elgon Park-Sy. Ang proud owner ng Park-Sy University. Yabang ko ba? Pake niyo, eh sa totoo naman. Di gaya ng kapatid kong si Diane na may nalalaman pang maging nerd sa school. Sa bagay, gusto lang kasi niyan ang pagiging simple. Ayaw niya daw yung pinag kakaguluhan sa school gaya ko.
Ako din ang captain ng Dragons. Siguro naman kilala niyo na ang mga members na yon. Mga ugok yon. Mas gwapo ako sa kanila.
Si Diane naman, kahit nilalait ko yon, mahal na mahal ko siya no. Ako na tumayong magulang niya kapag wala sila mama.
3rd year college na din pala ako. Isang taon lang agwat ko kay Diane. Nag stop ako kaya mag ka-level lang kami.
Back to reality. Nandito na kami sa parking lot. Hahaha. Tinulak ko si Diane sa kotse ko. Ang bagal kasi. Papa-cute pa yan kay Russel, eh hindi naman siya type non. Mabuti pang si Kence. Ooops, joke lang. Hahaha.
Napalibutan na si Diane ng mga Dragons.
"Hoy mga ugok! Tara na sa gym at makapag practice na" sabi ko sa Dragons.
"Ayayae captain" Dragons except Kence.
Nakita kong inalok ni Kence yung kamay ni Diane. Nag iisip pa si Diane kungaabutin o hindi pero inabot din naman. Arte lang nitong kapatid ko eh.
"Salamat"sabi ni Diane kay Kence.
"Hoy mamaya na landian. Tara na!" sabi ko sa dalawa.
Ang sama naman ng tingin sakin ni Diane. Hahahaha. Mamaya ma-fall ka pa sa ugok na yan eh.
Nag punta na kami ng gym. Si Diane, siguro dun muna yon sa office ni mama. Si Mama ang principal dito. si Papa retired na. Kaya pumalit si mama.
"Dwayne, pano mo naging alila yung nerd na yon?" - Kence.
"Nag apply malamang" sagot ko.
"Ah" matipid na sagot ni Kence.
"Captain! ang aga naman natin ngayon?" - Lance.
"Oo nga, naudlot tuloy yung panaginip ko. Makikissan ko na si Lorraine eh" - Asar na sabi ni Kurt.
"Manahimik kayo. Practice na" sabi ko sa kanila.
Nag warm up naman yung ibang dragons.
"Cap! Kelan laban natin?" - Drew habang nag i-stretching.
"Di ko pa alam" sagot ko
"Eh bakit kasama mo yung nerd na yon? Nag iba na ba taste mo Hahahaha" - Ken.
"Alalay niya daw yon Hahahaha" - Pip
"Swerte naman non Hahahaha" - Psy
"Pake niyo ba?" sagot ko.
"Mag practice na nga kayo." - Clarence. Masyado tong tahimik sa team pero bibo pag dating sa laro.
"Maganda naman siya ah." - Kence.
Napatigil ako sa pag wa warm up ko. Nag wawarm up ako no. Haha.
"Nakain mo Kence?" - Russel.
"Don't judge her." seryosong sabi ni Kence.
"Practice na!" sigaw ko.
Madalas kasi si Russel at Kence, may LQ . Hahaha. Nag papataasan kasi sila minsan kaya nag kakagulo din sa team.
Pero di nila pinepersonal masyado kaya nag kaka ayos din.
Nag practice na kami. Malayo pa naman laban namin kaya nag hahanda na kami.
======================================================================================================================================
Itututloy...
Next chapter : x7 Crush
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...