Kence Anderson P.O.V.
I'm Kence Anderson. Isa sa may malaking share dito sa Park-Sy University. Pamilya ko ang may ari ng malalaking restaurants dito sa Pilipinas at ako naman ang nag mamay ari ng ibang high class bars.
Dito ako pinag-aral ng parents ko dahil kilala nila ang pamilya ng may ari nito. Pero hindi ko pa nakikita yung pamilyang Park-Sy, parents ko palang.
Sa pag pasok ko ngayong araw. May napansin akong kakaiba. Hindi pala, hindi na to bago. Naiinis ako sa mga studyante dito na laging nilalait si Ms.Nerd. Eto namang babaeng to ayaw lumaban.
Nung pag pasok nga niya pinag masdan ko lang siya. Si Dwayne lagi yung kasama niya. Ano kayang koneksyon nila sa isa't-isa? Alalay niya kaya yun? Hahaha.
Ayan na naman yung mga babaeng mapanlait kay Ms. Nerd.
May binulong sa kanya si Dwayne tsaka na umalis. Sinundan ko nalang si Ms.Nerd. Syempre, dahil sikat din ako dito gaya ni Dwayne, tinitilian din ako. Haha. Gwapo din ako no :P
Huminto ako sandali ng papasok ng si Ms. Nerd sa classroom ko. Teka ? Ibig sabihin classmate ko siya?.
Papasok na siya ng... "WAAAAAAAAAAAAAAH" Hala? May tubig na nag paligo sa kanya galing sa pinto. Mga bully talaga tong mga ugok na to. 3rd na pero di pa din nag babago. Naawa tuloy ako.
Tumakbo siya papunta yatang locker. Sinundan ko na din. Ewan ko ba bat ganito ako. Anong nakain ng paa ko at sinusundan ko ang babaeng to?.
Kumakain ba ang paa ?
Since 1st year college kasi kami, parati ko nalang siyang nakikitang binu-bully. Hindi yan lumalaban. Hinahayaan niya nalang yung mga nam bubully sa kanya. Minsan gusto ko siyang ipag tanggol eh.
Tapos na siya sa locker at nag punta sa girls c.r. Mag papalit yun malamang. Good boy ako kaya hindi ko siya susundan.
Hihintayin ko nalang siya labas.
Nung nakalabas na siya after 10 years,nag iisip muna siya? Then i followed her again.
Sa canteen siya pupunta.Sinundan ko nalang. I know bibili yan ng foods. Haha. Mukha ba akong stalker? Oo no? Kasi naman, naaawa ako kay Ms.Nerd. Di ko lang mapag tanggol kasi nahihiya ako?. Ay ewan.
Nakapila na siya sa may Ice Cream Station ng may sumingit na isang baboy. Hahaha. Sorry ha.
Sumigaw si Ms. Nerd. May sinabi sya kaya agad namang napasugod si baboy. Dali dali akong sumagip at agad kong sinuntok si baboy dahilan para mapatumba siya sa sahig. Nagulat naman si Ms.Nerd kaya napatulala sya sakin.
Nagulat si Ms.Nerd and she's wondering who is me.
"Babae yan pre, nirerespeto." sinabi ko dun kay baboy habang nakahalusay sa sahig.
"Ikaw miss" Tumingin ako kay Ms. Nerd mula ulo hanggang paa. Maganda naman siya. Kaso may makapal na salamin na suot at buhaghag na buhok. Manang din manamit pero simple lang. kaso Nerd lang talaga. As in.
"Kahit panget ka, matuto kang lumaban" dagdag ko at agad ng umalis sa canteen na yon.
Woah. Nakahinga ko ng maluwag dahil first time ko siyang ipag tanggol. Hay sana naman lumaban na siya. Anong klaseng babae ba siya.
Bumalik na ko sa room. Hindi na ko nakapasok ng first subject dahil babaeng yon. Classmate ko pa naman siya.
======================================================================================================================================
Itutuloy...
Next chapter x3 Magpa salamat
Vote x Comment lang kayo :)
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...