I Love You Goodbye

41.4K 857 161
                                    

Diane P.O.V.

"Papa" pagka rating ko sa opisina ni Papa agad ko siyang sinalubong nang yakap. Niyakap naman niya ako pabalik at hinagod ang likod ko. Doon din humagulgol ako at hindi na napigilan ang sobra sobrang sakit na emosyon ko.

"Bakit umiiyak ang Prinsesa ko? Shhh" patahan sa akin ni Papa. Hindi ako sumagot at humagulgol pa din. Miss na miss ko tong si Papa. At ma mimiss ko siya.

"Kahit kailan talaga. Crying baby ka pa din" kahit nasasaktan ako, sinubukan kong tumawa.

"P-papa naman eh" at kumalas na ako sa yakap. Pinunasan ni Papa ang mga luha ko.

"Now tell me. Why?" tanong ni Papa. Huminga ako nang malalim at pinilit na hindi mabasag ang boses ko.

"S-si K-Kence po Papa." yumuko ako. Yumuko dahil nag sisi akong sinuway si Papa. Pinag tanggol at pinag laban ko si Kence para lang hindi ako pilitin ni Papa na pumuntang States.

"Princess, that's love. Pag subok iyan. Hindi mawawala ang pakiramdam na masasaktan at masasaktan ka. Kahit gusto mong umalis mag pakalayo, o hindi man, aalalahanin mo pa din ang sakit na iiwan mo" naiyak ako sa sinabi ni Papa.

"Pero Papa. Ang sakit na kasi. Akala ko totoo yung love. Pero bakit nasasaktan ako? Bakit palagi nalang ako sinasaksak? Patalikod pati puso ko sobrang durog na. Papa, bakit?" hindi ko na muli napigilan ay sobrang umiyak na ako.

"Ssshh. Anong man ang dahilan nang pag iyak mo ngayon, sooner or later, maiibsan iyan"

"Sana nga Papa. Sana nga. Dahil sobrang sakit na"

Muli ay pinunasan ni Papa ang luha ko at nginitan niya ako.

"Alam kong nasaktan din kita sa pag pipilit kong umalis ka. Nasa saiyo anak ang desisyon. Anak kita. Anong gusto mo at ibibigay ko" tunay na mahal na mahal ako ni Papa.

"Sorry Papa. Kung sinunod kita, sana pala hindi ako nag munukhang uhugin sa harap mo" pag kasabi ko ay nag tawanan kami.

"Ano Princess? Handa ka na ba?" seryoso nang tanong ni Papa.

Nag iisip pa ako. Paano nga kung wala talagang alam si Kence? Paano nga kung hindi naman niya talaga ako ginamit? Ramdam kong mahal na mahal niya ako. Tunay niyang mahal ako.

Bago pa ako makasagot ay may kumatok sa opisina ni Papa. Pumasok ang secretary niya na may hawak na envelope.

"Mr. President, sorry po sa istorbo, ayaw po kasing mag papigil nang babae sa labas na ibigay ko to kay Ms. Diana. Sorry po ulit sa istorbo. Mr. and Ms. Park-Sy" sambit nito at yumuko.

"Para sa akin ang envelope na iyan?" tanong ko at sumagot naman siya. Masyado nga lang pormal at hindi ako sanay. Sabagay well mannered ang kompanyang hawak ni Papa.

"Akina. At sino ang nag bigay?" kinuha ko ang envelope.

"Babae po siya. Hindi siya nag pakilala pero nakuha naman namin sa information na Silva ang surname niya" pag kasabi nito ay napa Shit ako. Ano na namang kagaguhan ang papel na ito? Bwisit talaga ang taksil na iyon.

"Sige. Salamat. Maari ka nang umalis" sabi ko at magalang itong nag paalam sa amin.

"Ano ang laman niyan anak? Try to open it" sinunod ko si Papa at binasa ang nasa loob nang envelope.

Habang binabasa ko ang bawat detalye nang katotohan, sinasaksak na naman ang puso ko. Ang sakit na talaga. Umagos na naman luha ko sa sakit na nararamdaman ko. Bakit hindi tumutigil na lumabas tong luha ko? Bakit kahit pinipigilan kong wag maiyak sa nababasa ko, taksil ang luha ko dahil kusa silang lumalabas.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon