x57 Diana vs. Ayana

48.6K 1.3K 260
                                    

Diane P.O.V.

Napansin kong nag laho ang ngiti ni Ayana nang lapitan ako ni Kence at hawakan ang kamay ko. Bakit kaya? Hindi kaya gusto niya si Kence? Kaya niya nagagawa sa akin, sa amin ang pag tataksil. Huh. Kung ganon ang labanan, hinding hindi ko siya uurungan.

Lalo akong lumapit kay Kence at nag pakita nang pag lalambing. Nag taka naman si Kence sa ginawa ko habang sinusulyap sulyapan ko pa din si Ayana na nakatayo at naka tingin sa amin. Habang ang iba ay nag liligpit na nang pinag kalatanan naming mga unan.

"I will forever be yours Babyloves" bulong ko kay Kence at ngumiti ako nang pagka tamis tamis. Nakita ko namang tila lalong kununot ang noo ni Ayana.

"Sus babyloves. Gutom ka ba?"  Tanong sa akin ni Kence at kinindatan ako.

"Gutom ako sa pag mamahal mo" sabi ko at hinila ang mukha niya tsaka hinalikan sa harap nang mga kasamahan namin.

Narinig ko namang nag hiyawan sila at nag papalak pakan pa. Tumugon naman si Kence sa halik ko at niyakap ako. Mas lalo naman silang nag hiyawan. Tinapos ko ang halik at sinulyapan si Ayana. Ngayon, ang mukha niya ay hindi na maipinta. Natawa naman ako at ngumiti sa kaniya na pang asar.

"Get a room guys!" sabi ni Lance.

"Hey big sister ka na ngayon. Tsk tsk" sabi ni Kuya Dwayne kaya naman tinignan ko siya nang masama.

"Nako Princess, lume level up!" hiyaw naman ni Russel. Natawa nalang ako.

Sumigaw naman ang ibang Scoripion Gang

"PARTY LATER WOOOHOOO" at nag sasasayaw sayaw na parang walang problema.

"TIGIL!" napatigil nga sila sa ginagawa nila at lahat kami ay napatingin sa sumigaw. Si Ayana Sheen Silva.

"Bakit kami titigil?" Tanong ko sa kaniya. Bumitiw ako kay Kence at medyo lumayo nang konti.

"HINDI KAYO MAG SASAYA" sigaw niya ulit. Tumawa ako. Nakaka pang asar na tawa ang binigay ko sa kaniya.

"Mag sasaya kami dahil tagumpay kami" sabi ko at nginitian siya. Dahan dahan siyang lumapit at akmang susugudin ako. Sasampalin niya sana ako pero napigilan ko ka agad ang kamay niya.

"Don't you ever slap my pretty face, Ayana Sheen Silva" sabi ko at bagsak kong binitawan ang kamay niya.

Tumingin siya sa paligid at sobrang sama nang tingin niya sa aken. Sumigaw siya at sinambunutan ako. Hindi agad ako naka iwas. Masakit masambunutan. Takte, baka malagas ang buhok ko. Inaabot ko ang buhok nya at nag tagumpay naman ako. Nag sasambunutan na kaming dalawa.

Walang umaawat. Siguro alam nila ang gusto kong gawin dito sa babaeng taksil na ito. Pero not like this way. Ang pangit lang para kaming skwater kaya naman binitawan ko ang buhok nya at malakas na pwersa na tinulak ko siya. Ouch lang dahil feeling ko konti na lang ang buhok ko.

Sa lakas ng impact nang pag kaka tulak ko sa kaniya ay napaupo siya sa sahig. This is the chance na makakaganti ako sa kaniya.

Nilapitan ko siya at tinigan siya nang masama. Para naman siyang natakot.

"Wag mong gagalitin ang Prinsesa kung ayaw mong makatikim nang kamandag ko" pag kasabi ko non ay tinayo ko siya at pinag sasampal sampal. Kaliwa't kanan kong sinampal ang pisngi niya. Wala akong pake kung masaktan siya dahil mas masakit ang nangyari sa amin. Buhay ang tinaya namin. Tinigil ko ang pag sasampal at kitang kita nang iba ang sobrang pamumula nang pisngi niya. Para na siyang kamatis. Umiiyak na din siya pero masama pa din ang tingin niya sa akin. I don't care.

"Mas masakit pa ang mag agaw buhay. Kaya maswerte ka dahil sampal lang inabot mo. Maswerte ka dahil mabait pa ako." sambit ko sa kaniya. Hindi siya makapag salita. Napansin ko ding may sugat na ang labi niya.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon