x16 The Party

122K 3.8K 343
                                    

Russel's  P.O.V

Panalo kami sa basketball. Natalo namin ang Sharks na isa sa mga malakas na kalaban namin. Pero kahit na malakas sila, hindi kami nag patalo. Sa kabilang university sila. 

Nandito ako ngayon sa condo ko at kasalukuyang nag papahinga. Mamayang gabi nga pala pupunta kami sa masyon nila Dwayne para doon na i-celebrate yung naudlot na party na dapat kahapon pa ginawa. May umeksena kasi kaya naudlot. Ganito yon.

*Flash back*

Pag tapos ng game, nag decide kami na mag celebrate sa bar nila Kence. Nandito kami ngayon sa dressing room ng mga Dragons. May sarili kasi kaming bihisan at pang private yun. Astig diba :D Ma-eexpose kasi ang mga magaganda naming katawan kapag nakisalamuha kami sa ibang room. 

"Tol, kita nalang tayo sa bar" sabi ni Clarence.

"Sige" sagot ko. Nauna na silang lumabas. Napansin ko si Kence na may kausap sa cellphone niya. Nag bibihis pa din ako. Tshirt na nga lang.

"Wala kang pake kung gusto kong laitin yung panget na yon." naririnig kong sabi niya.

Si Dwayne nga pala, pag tapos ng laro bigla siyang nawala. Ewan namin don kung saan nag punta. Baka nang babae hahaha. Nag patuloy lang sa pag ka usap si Kence dun sa telepono niya.

"Bakit mo ba pinag tatanggol yung Diane na yon? Maid mo lang yon. Isa mo siyang utusan kaya dapat di mo siya pinag tatanggol" -Kence. 

Si Diane? Si Dwayne ba ang kausap niya? Kasi ang alam ni Kence, maid ni Dwayne si Diane.

Lumapit ako sa kanya at

"F*ck!" sigaw ni Kence. Sinuntok ko siya.

"G*g*  ka pre ! Akala ko ba nirerespeto jmo ang babae? Bakit mo ginaganon si Diane? Hindi mo siya kilala kaya wag mong tapakan ang pag ka tao niya." sabi ko. 

Nagulat siya sinabi ko. 

"Ano bang pake mo Russel? Bakit niyo ba ganon nalang pinag tatanggol yun babaeng yon? Nag iba na ba taste niyo?" mayabang na sabi ni Kence.

"T*ng*n* ka pala eh! Kung makapanlait ka akala mo kung sino kang perperkto" sinugot ko ulit siya at hinawakan ang leeg ng tshirt niya.

Pumalag si Kence at sinuntok din ako. Nag suntukan kami at narinig ko nalang na umaawat na ang ibang Dragons.

"Tama na bro" - Drew

"Awat na mga dude." Pip.

"Mga bakla lang ang nag aaway!" - Psy.

"T*ng*na tigil na!" - Ken.

Tumigil na ako. Hingal na hingal ako sa pag susuntok sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos. G*go ka" sabi ko kay Kence at lumabas na ng dressing room. Bastardo siya. Kung laitin niya si Diane. Mababaw na kung mababaw ang panlalait, pero may puso din yung tao at nasasaktan sa mga sinasabi nila.

Nag lakad na ako papuntang parking lot. Sumakay na din ako ng kotse at saka nag drive. Tumunog yung cellphone ko at nakita kong nag text si Dwayne. Cancel na daw ang party. Mabuti na yon dahil nawalan na ako ng gana.

Gusto ko si Diane, gustong-gusto kaya ayaw ko na maka rinig mula sa iba na may sinasabing hindi maganda tungkol sa kanya.

Si Diane at Kence, lagi nalang silang mag kasama. Minsan nga nag seselos na ako. Pero kelangan kong sumunod sa rules namin na walang talo-talo. Palagi silang masaya. Ino-obserbahan ko lang sila. Pero nitong mga ilang araw lang, napansin kong iba na ang turing ni Kence kay Diane.

Si Diane, nakikita kong malungkot na din. Hindi ko siya masamahan dahil busy na ako sa pag te training sakin ni Dad sa kompanya namin. Dahil 3rd year college na kami, kelangan ko na daw matuto kaya hindi na ako nakakapag bigay ng oras sa iba. Pero palagi akong nasa mansyon nila kapag free ako, doon ko nakaka bonding sila Clarence, Diane at Dwayne. Isama mo pa yung makulit na kaibigan ni Diane na si Clare.

Diane. Isa kang malaking babae dito sa puso ko.

*End of flash back*

Yun ang dahilan. Lahat ng Dragons at iba pang taga PSU kasama sa party na yon. Kaya masama sa loob ko na nandon si Kence. Di nalang siguro ako mag tutuon ng pansin sa g*gong yon.

Park-Sy Mansion...

Diane P.O.V.

Gabi na at simula na ng party. Nandito na ang lahat ng Dragons sa mansyon pati na ang ibang taga PSU. Siguro nga mag tataka ang ibang estudyanteng kilala ako dahil nandito din ako. Malamang bahay namin to eh. -___-

Si kuya Dwayne nasa baba at nag aasikaso ng party. Chill lang din. 

Makikita ko si Kence  pero mag ta transform ako as Diana. Hindi sa nag mamayabang ako pero nag ayos ako ngayon. Nandito ako sa kwarto ko at inaantay matapos mag ayos si Clare. Dito kasi sya nag bihis at excited na makita si Clarence. Loka talaga.

"Best! Mas maganda ako sayo ha! " Sabi ni Clare.

"Oo na." sagot ko. 

"Pero sigurado ako, pag nakita ka ng baliw na Kence na yon, mamangha siya sayo dahil sobrang ganda mo tonight. " masiglang sabi niya.

Naka porma kasi ako ngayong gabi. Nag kulay pa nga kami ng buhok eh. Color black na long sleeve ang suot ko at hanggang gitna ng hita ang ikli. 

"Bahala na" sabi ko at napa smirk. Ano kaya pag nakita ako ni Kence ngayon. Hmmn.

Lumabas na kami sa kwarto ko at nag punta ng garden. Sa garden may pool din kaya yung iba nag s-swimming. Grabe lang ang ingay dito. Pang party na pang party talaga ang theme ngayon, mula sa music pati sa mga outfit at kilos ng mga tao dito.

Nandito kaming dalawa ni Clare sa may table, nakatayo kami. Kumuha kami ng wine sa waiter. Kilala ako ng waiter na to. Marunong naman ako sa mga pang rich na bagay. Like hello ? Kahit nerd ako, marunong din akong kumilos no  -__-

Nag cheers kami ni Clare. "Besty ! Ang hot ni Clarence ! Dun muna ako ha" sabi ni Clare pag tapos naming mag cheers -__- Kumaripas na ng takbo.

Iwan daw ako >__<  Close naman sila ni Clarence at Clare. Medyo cold nga lang si Clarence kay Clare dahil makulit to at amindong gusto niya si Clarence. Kaya ayun.

Tumingin tingin lang ako sa paligid at nahagip ng mata ko si Kence na papalapit sa lugar ko. Paktay. Kinakabahan ako. Ang gwapo ni Kence shete ! 

Ilang layo nalang at malapit na siya sakin.

Eto na.

Napalunok ako.

"Hi miss" 

==========================================================================================================================================================================

PABITIN MUNA . ^_^V MAY IMPORTANTENG MAHALAGA LANG AKONG GAGAWIN PERO I'LL MAKE SURE MAKAKAPAG UD AGAD AKO :) 

HAPPY READING LANGS!

next chapter x17 The Party [Part 2]







Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon