x53 This is Real

43.6K 1.3K 136
                                    

Diane P.O.V.

8:00 PM na.

Tapos na akong mag hapunan. Si Clare lang ang kasama ko sa kwarto ngayon dahil ang lahat ay nasa kwarto ni Kence. Gusto ko ding pumunta pero pinipigilan ako nitong si Clare.

"Bakit ba ayaw mo akong papuntahin doon?" naiinis kong tanong sa kanya. Nandito ako sa bed, naka upo at nag pipigil nang inis. Habang si Clare na kaibigan ko ay nakatayo at busy sa kaka text at pakiki pag usap sa akin.

"Hindi nga pwede Diane. Alam kong pag nakita mo siya, baka mag wala ka. Baka sirain mo lahat nang makita mo kaya dito ka lang." sagot niya sa tanong ko nang hindi man lang tumitingin sa akin.

"Huh. Itong mukhang to? Mukha ba akong naninira ng gamit sa ospital? At mukha ba akong eskandalosa? Kaya naman please ! Papuntahin mo na kase ako doon" tinuro ko ang mukha ko. Hindi naman ako ganong klaseng tao na nag wawala. May respeto naman ako no!

Tunayo ako at akmang lalabas na pero para kaming nag papatintero sa pinto. Nakabihis na din ako. Hindi na ako naka hospital gown. Pakiramdam ko kase mukha akong 50:50 kapag naka ganon. Naka tshirt at leggings lang ako ngayon pero maayos na talaga ako at hinihintay na lang na papuntahin nila ako kay Kence. Pero parang ayaw nila.

Hindi kami mag kanda uga uga kung paano ang gagawin. Nag haharangan kaya naman mukhang susuko na ang kaibigan ko.

"Fine Diane. Umupo ka at chill lang dapat. Magiging maayos si Kence" sambit sa akin ni Clare. Pinapaklma niya ako perk hindi ko magawa. Tinignan ko siya nang masama at walang nagawang sinunod ang sinabi niya.

"Okay okay. Chill lang ako dito sa upuan na to. At hihintayin kung mamatay na ba o hindi si Kence. Ganon ba ? Answer me Clare !" Umupo ako sa couch at galit na tonong sambit ko kay Clare. Mukha siyang natakot. Matakot ka sa Prinsesa para makalabas na ako. Nag type siya nang sobrang bilis sa phone niya at hinarap ako.

"Diana. Makinig ka naman. Magiging maayos din sya !" pabalik na sigaw din sa akin ni Clare. Aba naman.

"Don't call me Diana ! Simple lang naman ang gusto ko ! Makalapit man lang sa taong mahal ko ! Bakit ba pinipigilan mo ako !" oo galit na ako. Naiinis na ako.

"Sorry pero dito ka na lang muna. Hintayin nalang natin ang result" mahinahong sambit ni Clare at kinalikot na naman ang phone niya. Ang sarap agawin at itapon. Nakikipag usap ako tapos nag ce cellphone siya. What the heck?!

Nakaka loka. Gusto ko nang pampakalma. Tumayo ako at sakto nang pag tayo ko ay pag bukas nang pinto at hinihingal na niluwa nito si Kuya Dwayne. Nakakapag taka naman. Para siyang hinabol nang sampung kalabaw sa bukirin at ganyan kapanget ang kuya ko. Tsk.

"Clare?" sambit ni Kuya na hinihingal hingal. Clare agad ? Hindi ba pwedeng ako muna ? Hindi ba ako nag eexist? Asar huh.

"Bakit?" Ako ang sumagot dahil parang natulala si Clare. Para namang nakakita ito nanv multo.

Tell me guys, anong nangyayari sa mundo bakit ganito ang mga tao? Nakakabaliw. Nag salita si kuya Dwayne.

"Okay. Si Kence---" sabi ni Kuya.

Pangalan palang niya ay hindi na maganda ang kutob ko kaya naman pinutol ko ang sasbihin ni kuya at agad na lumabas sa kwarto ko.

"Diane wait !" Habol sa akin ni Kuya Dwayne at ni Clare.

Nag dali dali akong tumakbo papunta sa room ni Kence. I don't care kung may makabangga akong patients or doctors. Pupuntahan ko si Kence. Pupuntahan ko ang mahal ko.

Isang room nalang ay kwarto na ni Kence. Napatigil ako at dahan dahang nag lakad sa kwarto niya. Nararamdaman kong masama ang magiging pasok ko sa kwarto niya. Naluluha na ako. Pero kakayanin ko. Magiging matatag ako. Kung ano ang mangyayari, tatanggapin ko. Kung masaya ako, salamat. Kung masasaktan ako, tatanggapin ko. Dahil nasa realidad ako, masasaktan at masasaktan ako. Ganito naman kapag mag mamahal diba? Sa una, masaya habang tumatagal, may nararamdaman nang ibang sakit. Kaya tatanggapin ko kung masasaktan ulit ako. Sanay naman na ako. Bata palang nasaktan na. Kaya mag tataka pa ba ako kung ngayong malaki na ako.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon