Dedicated to :
Author's P.O.V.
"Sir, naka takas po si Kence. Hindi namin siya mahanap" sabi ng isa sa mga tauhan ni Kence Anderson.
"Hinahamon talaga ako ng batang iyon. Ako na ang bahala. Alam mo ba kung nasaan si Sunny?" Naiinis ngunit nag titimpi lamang na sagot ni Kevin sa kaniyang tauhan.
"Nasa panig po ng Scorpion Gang si Queen. Bihag po nila ngayon ayon sa aking pag sisiyasat" napa sapok na lamang si Kevin sa narinig niyang balita.
"Umalis ka na." Utos nito sa kaniyang tauhan at sinunod naman nito.
Mag isa na lamang siya sa kaniyang opisina habang umiinom ng alak.
"Uubusin ko ang lahi ng mga Park-Sy." Nang gigil niyang sinabi sa sarilii niya at tumawa na parang demonyo.
Diane P.O.V.
UMAGA na. Isang bagong araw na naman ang tatahakin ko. Isang bagong araw para siyasatin ang taong siyang dahilan ng LAHAT.
Pumunta ako sa mansion. Mag isa lang ako. Alam kong mapanganib ngayom ang buhay ko. Maraming naka masid at maraming nag tatakangkang patayin ako.
Gamit ko ang kotse. Matibay ito. At hindi basta basta mabubuksan nang kahit sinong mag tangkang barilin o patayin ako sa loob.
Habang bumabyahe ako may napansin akong kanina pa naka sunod saakin. Nag iba ako ng daan, ganoon din ang ginawa ng sumunod sa akin. Naiinis ako kapag may sumusunod sa akin. Kung hindi tauhan ni kuya yon baka naman isa sa mga tauhan ni Kevin iyon.
Binilisan ko ang takbo ng kotse ko at dumaan ako sa medyo maalap na daanan. Bihira lang ang mga nadaan ditong kotse. Alam ko nasa isip niyo, parang lalo ko pang pinapahamak sarili ko. Oo dahil kasi dito walang katao tao. Ang creepy. Bumagay sa kotse kong dark black.
Naanig ko pa din ang sumusunod sa akin kaya naman tumigil ako. Nakakatakot. Takot ako sa multo pero pwe ! Kaya ko to.
Hinihintay ko siyang dumating pero wala. Wala siya. Natakot din siguro. So I decided to continue my driving.
NANDITO na ako sa mansion. How I really miss this place. Naging safe naman ako kanina sa pag punta dito. Hindi na din sumusunod yung creepy na sasakyan. Pero infairness maganda kotse niya at mamahalin pero mas mahal yung akin. Or should I say mas mahal pa buhay ko kesa sa kotse niyang pipitsugin. Okay back to reality.
Nandito na nga ako sa mansion at ang ganda ng bungad nila sa akin.
"Welcome home Princess" anim na lalaking kasambahay sa kanan at anim na babaeng kasambahay din sa kaliwa. Sabay sabay nilang sinabi sa akin iyon at saka nag bow.
Naka poker face ako sa kanila. They know me. Pag tinawag nila akong Princess ibig sabihin katauhan ko ay isang gangster pero kapag Young Lady, ako yung babaeng mabait sa Kanila. Halata sa mga mukha nila ang kaba at takot pero nagulat lahat sila ng ngitian ko sila.
:)
"Thank You" at saka pumasok na ako sa loob dala ang aking ngiti. Masaya akong maayos ito. Sa dahasang paraan pero I'll kill them with mercy. Good luck Black Serpented Gang.
Naupo ako sa sofa sa sala. Dinalhan ako ng isang kasambahay ng makakain at juice.
"Princess ito na po ang pagkain niyo" magalang niyang ibinigay sa akin ito.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...