Diane P.O.V
*After a weeks*
Nilait.
Nasaktan.
Umiyak.
Nalaman ang katotohanan sa likod ng lahat ng nangyayari.
Masakit mawalan ng mga taong malapit sayo. Lalo na mahal na mahal mo.
Hindi ko maikilos ang buo kong katawan. Minulat ko ang aking namumugtong mga mata dahilan sa pag iyak ko. Naisip ko na naman siya.
Siya.
Si Kence
Ang dahilan ng lahat kung bakit ako babalik sa dati. Ayoko na. Sawa na akong kutyain. Gusto ko nang bumalik sa dating ako.
Matapang.
Matatag at palaban.
Pinagtatanggol ang iba at ang sarili.
Pero hindi ko inaasahan na ang taong mahal na mahal ko ay nasa likod pala ng pangyayari sa buhay ko na matagal ko ng kinakamit. Ang hustisya sa nanay ko na akala ko ordinaryo lang ang krimen na nangyari pero hindi pala.
Kasama ang taong mahal ko ng mamatay ang nanay ko.
Naramdaman kong tumulo na naman ang mga luha ko sa mata ko. Naramadaman kong niyakap ako ng taong nandito lagi sa tabi ko. Kahit anong mangyari. Si Russel.
"Ssshhh. Umiiyak ka na naman. " sabi ng taong handang bantayan, alagaan at mahalin ako kahit hindi ko nasuklian ang pag mamahal niya sakin. Si Russel ang bukod tangi sa lahat.
"Kahit naman itago ko tong nararamdaman ko. Masakit pa din." Oo. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, sobrang sakit talaga.
"Alam ko Diane. Oras na para bumalik ka na sa dati." sabi ni Russel.
"I will. Hindi ko hahayang mawalan ulit ako ng taong mahal ko"
"Nandito lang kami. Ang Scorpion Gang, mga kaibigan at syempre ang pamilya mo. Si Dwayne" sambit ni Russel.
***********
"Wow ! Ang ganda na pala ng resort mo Russ. " masiglang sabi ko.
"Ngayon mo lang napansin kasi hindi ka lumalabas ng rest house. Lagi kang nag kukulong sa loob kaya hindi mo nakikita yung ganda sa labas" sabi sakin ni Russ.
Oo. Simula kase ng mangyari ang mga nangyari, ilang linggo makalipas. Palagi akong nasa loob ng rest house. Hindi ako nalabas. Sabi ni Russ kelangan ko daw mag isip isip kasama yung mga paligid para ma refresh ang isip ko pero hindi ko siya sinusunod.
Gusto ko lang mapag isa.
"Ngayon Russ nandito na ako. Maa appreciate ko na yung mga bagay na ginagawa mo. Salamat ha" ginulo naman niya yung buhok ko na parang bata.
"Ano ka ba. Espesyal ka sa buhay ko noon pa man kaya wag kang ano diyan. Hahaha" natawa pa.
"Hay nako. Tara na nga at kumain. Nagugutom na ako eh" reklamo ko. Nag aalboroto na kase yung mga anakonda ko sa tiyan. Hehe.
Habang nag lalakad kami pabalik sa restaurant sa resort, may bumangga saking pesteng lalaki.
"Aray!" Reklamo ko.
"Hindi ka kase tumitingin sa daanan miss" sabi ng mukhang shokoy na unggoy na lalaking nakabangga sakin.
"Diane" pigil sakin ni Russel . Kilala niya na ko. Sobrang kilala kaya
"I can handle this" sabi ko sa kanya.
"Ako ? Hindi tumitingin ? Sa lawak ng resort na to wala pang nakaka bangga sakin dahil hindi sila tanga kagaya mo. Stupid. Lets go Russ" sabi ko sabay walk away sa lalaking unggoy na shokoy na yon.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...