x17 The Party [2]

116K 3.5K 188
                                    

Diane P.O.V.


"Hi miss"


Sheteng malupet! Nasa tabi ko na siya ngayon. Kinakabahan ako, aish ! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang wala akong galit sa kanya ngayon.


Nag tataka siguro kayo kung bakit 'miss' ang tawag niya sakin? Kasi nga diba nag transform ako sa kagandahan. Hahaha. Hindi ko naman alam na maagaw ng atensyon ni Kence ang outfit at ganda ko tonight.


"H-Hello" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Ayaw kong tumingin baka matunaw lang ako dahil ang gwapo niya ngayon. Ibang-iba siya ngayon. Dala niya ang aura na mama-magnet ang mga mata mo sa kanya.



"Obviously, you're here alone with your wine huh." he said with his husky voice. Kyaaah ! Diane este Diana ! Wag kang papaapekto diyan sa kumag na yan ! Ganyan siya nung una, nung nerd ako napaka bait niya at gentlemen pero nung tumagal hindi na. Naging baliktad na ang utak at mundo niya. Go!



"Yeah" matipid kong sinabi pero hindi ako tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga taong nandito ngayon. Halos lahat ata ng mga taga PSU nandito. Lahat ng mga nanlalait sakin, fans club ng Dragons, basta lahat nandito. Sila papa nasa condo nila ngayon dahil alam naman nila gagamitin namin tong mansyon pero dapat in a good way at walang halong pangit na tao. Joke, wala dapat maninira sa mga gamit. Yun basta.


"Taga PSY ka?" panimulang tanong niya. This time, napatingin na ako sa kanya. Nang mag tagpo ang mga matanamin, ilang segundo din kaming na stock sa isa't-isa. Parang nag papamilyarado pa siya sakin.


"Why?" tanong ko at agad na umiwas ng tingin. Matipid ako ngayon dahil pag nag salita ako baka bumigay ako. Nakakasawa kayang umiyak kapag nakikita ko ang lalaking to!


"Just asking. Ano?" -Kence


"Oo"- Ako


"Hindi kita nakikita sa school." -Kence


"Just because I'm on a private class" - Ako. Pag yayabang ko. Labasan na ng yabang. Sino mas mayabang sating dalawa! Isa din yang dahilan kung bakit pinu-push ko na ang sarili ko na mag bago.


"Nice. By the way, I'm Kence Anderson and you are?" pag lalahad niya.


"I'm Diane....Diana Park-Sy" buong puso kong sinabi at nilahad sa kanya ang pangalan ko. Kilala lang naman ako ng lalaking ito sa pangalan Diane Park at hindi sa pangalang Diana Park-Sy.


Bigla namang nanlaki ang mga mata niya sa narinig niya. Problema niya? Panget ba pangalan ko at ganun siya makareact.


"You mean? Park-Sy?" mukha niya?. Hahahaha. Hindi maipinta. Ano natanga ka -__-


"Yes, the daughter of Mr.and Mrs.Park-Sy" I said with full of authority.


"Kapatid mo si Dwayne?" 

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon