x10 Mag ayos (Ms. Nerd Transformation-The beginning)

136K 4.1K 218
                                    

Diane P.O.V


Kyaaaaaaaaaaaah. Kinausap ako ni Russel. Nagulat ako dahil pag alis ni Kence sumunod naman si Russel. Kinikilig ako habang mag kausap kami. Kung si Kence, naudlot ang dapat 'pag kwe-kwentuhan namin', tinuloy naman ni Russel.


Ganon pa din siya sakin. Mapang-asar pero sweet siya at kinikilig to the max talaga ako sa kanya.


Nahihiya lang ako nung una kasi naman, wala siyang pasabi nung umalis siya at nag punta ng ibang bansa at nag aral doon. Medyo nakaka tampo lang yon kaya ngayong bumalik siya, nahihiya ako sa kanya. Nawala na nga din yung closeness namin.


Sana nga mabalik pa yun eh. Pero nabalik na nga sa ilang oras na pag ku-kwentuhan namin.


Natapos lang ang pag kwe-kwentuhan namin nung nag announce ang assistant ni mama na kelangan lahat ng student ay nakabalik na before lunch.


Nag paalam na din si Russel na may pupuntahan siya kaya ayun, umalis na din.


Ang saya ko lang, nabalik na ulit yung closeness naming dalawa.


Wala pa pa din siyang pinag bago. Masayahin, mapang-asar pero sweet pa din siya. Mas lalo nga lang siyang gumwapo ngayon. Kinikilig talaga ako.


Tumayo na ako at lumabas na ng canteen. Nabusog naman ako dahil nag order pa si Russel ng maraming foods habang nag kwe-kwentuhan kami. 


Nag lalakad na ako sa hindi ko alam na direksyon. 


Ah, alam ko na. Mag babasa nalang ako sa library tutal busog na ko at yun na ang lunch ko. Mamaya na din pala mag po-program si mama. Siguro sa mga bagong students yon at mga rules and regulation na dito sa school.


Noon kasi, assistant lang ni mama ang gumagawa ng program na yon. Kaya karamihan sa mga students dito mala gangster dahil maangas pero may manners naman dahil iniingatan ang pangalan nila.


Nag lalakad na ako papuntang library ng..


"Ouch"


"Ouch"


Sabay kaming napa ouch dahil nag ka banggan kami.


"Ay sorry miss, di ko sinasadya. Sorry talaga" sabi sakin nung babaeng nakabanggan ko.


"Okay lang, hindi naman ako tumitingin sa daan eh." sabi ko


"Hindi, ang clumsy ko lang talaga kaya kita nabangga. Sorry talaga" 


"Okay lang yon ano ka ba" sabi ko at ngumiti na.


"Sorry talaga" paawa effect niya.


"Okay lang"


"Alam ko na! Treat nalang kita sa mall, tutal mamaya pa namang 1 pm ang balik natin sa regular class" masiglang alok nito.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon