x42 Let the fight begin

85.4K 2.4K 166
                                    

Diane P.O.V.

Nang yakapin ako ng taong mahal ko, nadurog muli ang puso ko. Oo, mahal na mahal na mahal ko pa din si Kence. Walang pinag bago. Nung niyakap niya ako, parang gusto ko din siyang yakapin pabalik. Na miss ko siya ng sobra.

Aminado na ako at tanggap ko na sa sarili ko na mahal na mahal ko siya at parehas kaming biktima ng nakaraan.

Parehas kaming nag kamali. Siguro kami talaga ng itindahana para isa't isa pero hindi mawawala ang pag subok.

Natigilan nalang ako ng biglang may sumulpot na isang hayop sa buhay naming lahat.

Si Sunny. Ang nag iisa kong karibal. Hindi lang sa lalaki kung hindi sa trono ko. Siya si Queen Serpentes.

Ang babaeng simula pa noon, ahas at mang aagaw na. Buti nalang bumalik na ako. Hindi sa nag yayabang pero kami talaga ang malakas sa mga Gang fights. Kaya sisimulan ko na ang laban.

Nag sasalita si Queen Serpentes slash Sunny. Ang dami niyang daldal. Nakaka bingi. Ang sakit sa tenga. Habang ito namang mahal ko este katabi kong si Kence, nakikinig lang din. Nakaka tuwa naman ang mga pag kikita namin. Ang ganda ng kaganapan. Hindi ko pa makita si Russel eh. Nasaan kaya siya.

"Tapos ka na bang mag salita?" Tanong ko kay Queen Serpentes dahil sa wakas tumigil na siya sa pag dadadada.

"I'm talking to you using my mouth not my eyes. So bitch, wag mo kong irapan" sabi ko sa babaeng ito. Irapan ba naman ako ? Ayoko sa taong ganon.

Nag titigan kami ni Queen Serpentes. Habang nakikipag titigan siya ay papalapit siya ng papa lapit. Ako naman ay paurong ng paurong. Aish. Ano ba namang eksena to. Susugudin ko na siya ng bigla akong pigilan ni Kence.

"ANO BA KENCE !" sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya kaya binitawan niya ako.

"Hindi siya ang kelangan mong saktan. Kungdi ang tatay ko. Wag si Sunny. " pag tatanggol ni Kence sa pugitang Sunny na ito.

"Ah ganon? Mag sama kayo. Wala akong pakialam sa nararamdaman niyo. Papatayin ko LAHAT ng may kinalaman sa pag kamatay ng nanay ko!" At dali dali kong sinuntok sa mukha si Sunny.

Nakaiwas siya kaya ako naman ang sisikmuraan niya pero nakailag ako at tumakbo ako papunta sa kanya at siya ang sinikmuraan ko gamit ang paa ko. Tinadyakan ko siya para malinaw. Umaray siya sakit na naramdaman niya. Kulang pa iyon. Akala ba niya, hindi ko nararamdaman at hindi ko alam na nasa paligid ko lang sila. Akala nila yon.

Tumayo agad siya kahit nasasakatan pa siya. Agad naman akong sumugod ng isang suntok sa pisngi niya. Brutal kung brutal. Ito ako. Tinuhod ko siya. Another sikmura combo na naman. Napa dura siya ng dugo. Sisipain ko pa ulit sana kaso may pumigil sa akin.

"Princess! Stop." Si Russel.

Agad ko siyang niyakap pag kakita ko sa kanya.

"Okay ka lang ba? Saan ka nila dinala?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Sa tagal niyang pag sasama sa akin habang nalulungkot ako, gusto kong suklian lahat ng iyon.

"I'm fine. Hwag mo akong intindihin" sabi niya sa akin. Sumenyas naman siya.

"Kasama ko ang SG." Nabuhay ang dugo ko ng marinig kong muli ang SG o Scorpion Gang. Sa wakas, nasa realidad na ako. Ito ang mundo ko.

"Papasukin sila at kuhain niyo si Queen Serpentes" utos ni Rush. (Codename niya sa SG)

Madaming mga lalaking SG ang humuli kay Queen Serpentes. Isa nalang ang kulang at pwede nang matapos ang kwentong ito. Pero hindi ako papayag na matapos ito nang ganito lang.

Lumapit sa amin si Kence.

" Russel " sabi niya kay Russel. Nag katitigan sila saglit at umiwas na ng tingin si Russel.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon