x25 This girl makes me crazy

110K 3.8K 209
                                    

Russel P.O.V.


Nandito kami ngayon sa isang high class na restaurant. Oo KAMI. Dahil nga hinila ang ka-gwapuhan ko ng isang babaeng naka bangga ko. Ang daldal niya kanina habang siya ang nag da-drive papunta dito sa resto. Peace offering niya daw ito sakin. Hindi makuntento sa pag tanggap ko ng sorry ko at dinala pa ako dito sa restaurant na to.


Ang ingay ingay niya talaga. Ayoko lang siyang sigawan dahil baka mag pakamatay. Haha. Habang nag hihintay kami ng in-order niya ay daldal lang siya ng daldal.


"Hoy ! Ano ka ba? Kanina pa ako salita ng salita dito pero di ka man lang nag sasalita" reklamo niya.


"Tss." tipid na sabi ko.


"Ahas ka ba? Tss ka ng tss" sabi niya sabay irap. Aba ! Nakaka irita na to ah? Patulan ko kaya kaso makaka bawas pogi points yon kaya respect nalang.


"May dapat ba akong sabihin sayo?" sabi ko.


"YOWN ! Ilang words yon? Isa ? Dalawa or more than?" binilang niya pa sa daliri niya ang mga sinabi ng gwapong tulad ko.


"Baliw" tumulala na naman siya sa akin.


"Alam mo?" sabi niya pero pinutol ko "Hindi pa" dagdag ko.


"Teka ! Patapusin mo muna ako pwede ?" tinapunan ko lang siya ng tingin.


"Tuloy mo lang" sabi ko.


"Eto, gwapo ka sana kaso ang pangit ng ugali mo" Tumaas naman kilay ko don sa sinabi niya.


"Sigarudo ka ba ? Lahat ng babae sa campus na pinapasukan mo, sinasabi nilang gwapo ako at mabait. Ikaw lang ang unang babaeng nag sabi sakin niyan" I'm just telling the truth.


"Wow lang ha? Eh mga lalaki? Grabe ka. Ako unang nag sabi niyan sayo? Pwes, palala-lain ko" at tumawa siya ng mala demonyo. Baliw na babae.


"Anyways, kanina pa tayo mag kasama but you don't still know my name. I'm Ayana Sheen Silva" then she offer her hand at gustong makipag shake hands. I accepted naman.


"Russel Han" tipid na sabi ko. Babae nga naman oh, pangalan ko palang nag ta-tantrums na.


"O.MY.GHAD. R-Russel Han? As in you are Russel Han?" ay lintek ! Kinapa kapa pa ang gwapo kong mukha.


"Tss" at tinabig ko nga yung kamay niyang dumadapo sa makinis kong mukha.


"Kyaaaaaaaaaah! This is real! Ikaw nga" at nag labas siya ng phone mula sa bag niya.


"Selfie tayo dali na please !" pinag bigyan ko na. Baka ikamatay niya kapag di ako nag pa picture.


"Hana... Dul.. Set. Smile!" sabi niya at narinig ko ang click ng phone niya.


"Ohmygad! This is amazing!" sabi niya at tinitingan mabuti yung kuha niya. Tsk. Gwapo ko.


Dumating na yung order namin at nilamutak niya yon. Pinag masdan ko lang siyang kumakain. Ang takaw niya pala. Maganda din siya kaso talakera. May kakaiba na naman akong naramdaman, ibang iba sa sa feelings ko kay Diane. Parang may mas hihigit pa? Ay never mind.


Kence P.O.V.


Nandtio kami ngayon sa rooftop kasama ko si Diane. Ayos na kami ngayon, medyo humahanap lang ako ng tamang oras para bumalik yung samahan namin dati. Yung tipong nag haharutan kami, nag aasaran, nag kukulitan basta yung closeness namin.


"Gago ka Kence alam mo yon? Lagi mo akong nilalait. Nasasaktan din ako no, sabi nga nila Kung sino pa yung taong mahilig mang asar sayo, yun yung taong lihim na napapasaya mo" sabi niya.


"I'm happy na ok na tayo ngayon." sabi ko at hinarap siya. Naka upo kasi kami dito sa isang mahangin at refreshing na lugar.


"Ako din." at ngumiti siya.


"Ayoko ng mag away tayo gaya ng dati" sabi ko.


"Past is past. Limutin na natin ang nakaraan."


"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Ikaw lang ang gusto ko kahit panget ka. Hahaha" lait ko sa babaeng to. Na miss ko talaga asaran namin kaya ngayon, binabalik ko na yung ano kami dati.


"Grabe ka! Hmp!" patampong sabi niya at nag pout pa siya. Bright idea!


"Kyaaaaaaaaaaah!" at pinag hahamapas niya ako sa dibdib. "Why'd you do that? Pangalawa na yan Kence!" kiniss ko lang naman siya. Smack lang. hahaha. Pulang pula siya.


"Kinikilig ka naman! Ouch ! Aray! Tama na!" wala na, pinag hahampas ako.


Resulta ng walang tigil na pag hahampas niya ay nahulog kami mula sa kinatatayuan namin at bumagsak sa sahig. Nasambot ko ang likod niya at nasa ibabaw naman niya ako. Ilang seconds din ng maka recover siya. Pinag papalo na naman niya ako.


"Grabe ka naman future wife. Masyado kang amazona!" pag tatampo ko. Paaw effect. Haha.


"Ikaw ! Kanina ka pa ! Manyak manyak mo !" sabi niya.


"Sorry na panget mo pag nag wawala" tumawa naman ako ng malakas.


"Argh!" ayun nag walk out.


How I miss that girl. May problema man ako ngayon, salamat dahil hindi ako kinukulong ng problemang yon. Kahit paano, napa pasaya ako ng babaeng mahal ko at mahal din ako.


==========================================================================================================================================================================


Happy reading! :) Vote diyan pag may time. Comment din XD Free to comment guys.


Picture pala ni Ayana Sheen Silva. New Cast ko HAHAHAHA.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon