x4 Connection

137K 4.7K 684
                                    

Kence P.O.V.

Nakilala ko na si Ms.Nerd. Siya si Diane Park. Naguguluhan lang ako sa kaniya kanina nung tinanong ko kung anong family name niya. Nag aalinlangan pa siyang sumagot kaya natawa nalang ako sa kanya ng palihim.

Big deal dito sa university ang family name. Siguro kaya siya nilalait kasi di sikat ang pangalan niya.

But having a Park family name ay malakas ang kompanya dito sa pilipinas. Actually, kalaban ko sa mga bars ang may ari ng Park. Baka may connection sila?  Pero bat ang pangit niya?  Hahaha.

Uwian na nga pala.

Isang buong araw ginugol ko ang ka gwapuhan ko sa school. Syempre, campus heartthrob ako kaya alam na ;)

Marami din akong nalaman tungkol kay Ms. Nerd. Sa Park-Sy High siya nag tapos at dito na din tinuloy ang pagka-college niya. May kaya lang daw ang family niya. Bussiness din ang pinag kakaabalahan ng parents niya.

Nag lakad na ako papuntang parking lot. Nakita ko na naman si Ms.Nerd kasama si Dwayne. Bakit sila mag kasama ?

Lumapit ako sa lugar nila. Napatingin ako kay Ms.Nerd.

O____O Reaction ni Ms.Nerd

O_____- si Dwayne

Bat parang gulat si Ms.Nerd?

"Bro! " bati ko kay Dwayne.

"Oh" tugon niya.

"Nag iba na ba taste mo?  Hahaha" sabi ko kay Dwayne na agad namang nag iba itsura -____-

"Eew. Ako papatol sa nerd na yan? " Dwayne

"Sa tingin mo papatulan din kita?! " asar na sagot ni Ms.Nerd slash Diane.

"Bat mag kasama kayo? " tanong ko. Nakakapag taka lang kasi. Si Dwayne na rich kid isasama ang isang nerd ?

Inakbayan naman ni Dwayne si Ms.Nerd.

"Girlfriend ko siya" - Dwayne.

O_____O Talaga?  Eh diring-diri nga siya kay nerd na yan eh.

"Hahahahaha iba nalang lokohin mo Dwayne wag ako " sagot ko.

Tumawa naman ng malakas si Dwayne. Adik lang.

"Alalay ko yan sa bahay. Diba panget? " Dwayne sabay tingin kay Diane.

"O-Oo" sagot ni Ms.Nerd. Nauutal na namumutla si nerd. May sakit kaya to? Pero kanina masigla naman siya nung mag kausap kami.

"Nga pala, buti nakita kita. Agahan mo bukas sa pag pasok. May practice lahat ng Dragons sa gym 6 am dapat nandon na." - Dwayne.

Captain namin yan sa basketball na Dragons. 10 members kami. Pangalawang kamay ako ni Dwayne.

"Ang aga naman -______-" reklamo ko.

"Patapon kita sa mars gusto mo!? " - Dwayne. Ang sungit talaga niyan. Pero mas gwapo ako diyan. Hahahaha.

Sinenyasan na ni Dwayne si Diane na sumakay ng kotse. Sumunod naman si Diane/ Nerd.

Sumenyas naman sakin si Dwayne na aalis na siya. Nag ok sign naman ako.

Naglakad na din ako papuntang kotse ko.

May mga babaeng kumukuha ng litrato sakin. Wow?  Artista ba ko?  Sabagay.

Gwapo ako.

Hahahaha.

Pumasok na ko sa kotse ko at pinaandar ito. Mag papahinga na muna ako. Sayang ang gwapo ko kung walang rest diba. Hahahaha.

After 20 mins nandito na ko sa condo. Medyo malayo sa school kaya ayon.

Nakarating na ko sa unit ko. Binuksan ko na din at agad na humiga sa couch at nag unan.

Kinuha ko yung iphone ko. Mag che-check muna ako sa mga accounts ko.

Makapag facebook nga muna.

Pag open ko, nabasa ko agad yung fan page ng PSU.

PSUniversity

Be formal tommorow. Mr. and Mrs. Park-Sy will be visit our campus. That's all.

-Admin

Ah yun lang pala. Ano kayang formal -____- Ano naka pang patay?  Well, first time ko makikita sila Mr. and Mrs. Park-Sy.

Nag scroll-scroll nalang ako. Katamad kaya nag status nalang ako.

Kence Anderson. Bakit ang gwapo ko ? Hahaha.

Posted na. Wala pang ilang segundo madami na agad likes at comments. Nangunguna ang Dragons.

Lance Buenavista ulol mas gwapo ako sayo

Kurt Westly -____-

Drew Manansala MAS GWAPO AKO

Russel Han bukas makikita mo kung sino gwapo

Ken Moreno Bakit gwapo ka?  TANONg MO SA MAMA MO!

Pip Faraon Mangarap ka men

Psy Min Ah asdfghjkl..

Clarence Amor no comment

Dwayne Park-Sy simula nang iluwal ako nang maganda kong ina, doon nag simula ang salitang "Pogi" "Cute" "Hot" at "Gwapo". Ano may angal?

Kence Anderson Tanggapin niyo na ako lang ang gwapo ha hahahahaha

Yung mga nag comment mga members yan ng Dragons. Makukulit yang mga yan. Playboy din. Ako lang good boy Hahahaha.

Hay nag out na ko. Matutulog nalang ako. Kailangan ko nang mag pahinga.

Umakyat na ko sa taas at humiga sa kama. Mag papalit muna ako ng damit Hahahaha.

Tapos na kong mag palit at humiga na. Pag pikit ko naman. Nakita ko si Ms.Nerd. Ha?  Anong meron. Dumilat agad ako.

Bakit biglang sumulpot sa isip ko si Diane/Nerd.

======================================================================================================================================

Itutuloy...

Pasensya na po kung walang ka sense sense yung ud ko. Babawi nalang po ako

^____^

Next chapter x5 Anong meron

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon