x33 A Days With You

84K 2.3K 61
                                    

x33 A days with you

Diane P.O.V.


Simula ng maging kami ni Kence. Hatid sundo niya na ako sa bahay na ni-rent ko malapit lang sa PSU. Kasama ko si Yaya Jane, siya yung taga alaga sakin simula ng bata pa ako hanggang ngayon. Nung una nga, tutol siya sa ginagawa ko dahil baka malaman ng kapatid kong si Dwayne. Alam din ni yaya ang lahat sakin, tinuring ko na siyang nanay habang wala sila Mama sa mansyon.


Ayaw pang pumayag ni Yaya pero sa huli, ako ang nasunod. Gusto ko din naman kasing tumira sa normal na bahay lang. Yung walang mga maids at butlers na naka sunod sayo kung anong ginagawa mo, yung parang paralized ka dahil sila ang nag seserve ng pagkain sa mesa mo, basta yung pang mayaman at elites na gawain. Actually, matagal na ko dito, may times na sa mansyon ako natutulog, may times din na dito ako. Ang totoo, mahirap sa simula pero nasanay na din ako. Tsaka malaki na ko, kaya dapat malaman ko na din ang mga bagay bagay. Paaano pag nag asawa na kami ni Kence? HAhaha. ANo nalang sasabihin niya? Na tamad ako. Syempre ayoko nun haha. Advanced ko ba mag isip? Wala eh, feeling ko kasi siya na talaga.

---

Sabado ng umaga ngayon at nagawa ko na ang ritwal tuwing umaga.

*beep beep*

"Diane andiyan na si Kence!" sabi ni yaya mula sa baba.

"Opo! Pababa na."

Nag ayos na ako atsaka bumaba. Pag ka baba ko, nakita ko si Yaya na nakangiti sa akin. Tumingin ako ng nag sasabing what?

"Enjoy your day"

"Thank you po" at lumabas na ko. Pag ka labas ko, ang cool ng nakita ko. Isang Kence lang naman na nakasandal sa kotse niya. Ang hot tingan. Lalong nakaka inlove.

"Babyloves, baka matunaw ako" nabalik naman ako sa wisyo.

"Hmp!" Pinag buksan niya ako ng pinto. Wow, gentledog! este Gentleman. Umikot naman na siya at sumakay na at nag paandar ng kotse.

"San naman tayo?" tanong ko pero hindi siya kumibo. Pinlay niya nalang yung radio at sakto, theme song namin.

Ikaw at Ako

"Secret babyloves. Tulog ka muna"

"Ay ano ba yan" pumikit nalang ako. Nga pala, hindi niya pa ako nakikilala as Diane Elle Park-Sy. Sa tamang panahon ko na siguro sasabihin sa kanya. Nag sisimula palang kami pero sisirain ko na agad ang relasyon namin? Hindi naman. Kahit ng liligaw pa sya noon, parang kami na talaga. Hindi niya ko hinahayaan, pinag tatanggol niya na nga din ako sa mga nanunukso sakin. Minsan nga, gusto ko ng mag pakilala bilang Park-Sy pero hindi pa ko handa. Ayokong masira ang tiwala sakin ni Kence. Mahal na mahal ko siya, natatakot ako na baka mawala siya. Nawala na ang taong mahal ko sa buhay kaya ayoko ng mawala din siya.

Siguro nga nauuhaw ako sa pag mamahal, si kuya, mahal niya naman ako pero simula ng may dumating na problema, hindi ko naramdaman yon. Oo nga't may magulang pa ko, pero kulang yon eh, kung hindi siguro namatay ang tunay kong ina. Sasaya siguro ako. Wala na kong hihilingin pa kay God. Bata palang ako gusto kong maging pulis noon para imbistigahan ang kaso ni mama kaso bata pa nga lang ako diba, kaya may nag babago. Sinabi ko sa sarili ko noon, nung mga bata pa ako. Malalaman ko din ang dahilan ng pag kamatay ni mama, OA ba? Hindi niyo naman ako masisisi, gusto ng justice sa mama ko. Ano yuon? Simpleng plane crash lang? May dahilan siguro yon.

Unti unti na akong ina antok.

----

"Break with him Diane!"

"NO!"

"Sila ang dahilan!"

"Totoo ba?" Hindi siya makapag salita.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon