x51 Behind the stories

56.4K 1.5K 138
                                    

Russel's P.O.V.

"Please Rush, tell me kung maayos na si Kence" pag pupumilit sa akin ni Diane.

Sa ngayon, natutuwa kami dahil maayos na ang lagay ni Diane. Si Kence nalang ang inaalala ko. Maayos na kaya siya? Nag sakripisyo para sa pinaka mamahal niya. Salamat naman at wala na ang King and Queen. Sana pag nagising na si Kence, maging maayos na ang lahat. Pero teka, hindi pa pala.

Lumabas muna saglit ang mga Dragons, sila Tita at Tito ay umuwi na para makapag pahinga. Ayaw nila nung una pero napapayag naman ni Dwayne dahil sa halatang pagod ang mag asawa. Ang natitira na lamang sa loob ng kwarto ay ako, si Clare, Dwayne, Clarence at Lance. Hindi naman mawawala si Diane. Ang minahal ko noon.

"Diane, sobra akong thankful kay God dahil hindi ka niya pinabayaan. And we Pray a lot for you. Thanks God talaga" sabi ni Clare kay Diane. Nanumbalik naman ng ngiti ni Diane, pero parang may kulang talaga sa ngiti niya.

"Alam mo nerd, pinaiyak mo ko. So gay pero kahit nerd ka, panget ka pa den e" asar naman nang kuya Dwayne niya. Nanumbalik na ang pag aasar niya. Ngumiti naman ulit siya at sinagot ang kuya niya.

"Hmm, alam mo kuya? Panget mo talaga eh ! Sabe ni mama ako ang maganda sa balat ng lupa no. " sabi ni Diane sa kuya niya at tumawa. Nakakatuwang pag masdan ang dalawa. Parang walang problema.

"Sa balat lang ng lupa nerd, hindi sa buong world" pang aasar uli ni Dwayne. Nag asaran naman sila. Nakisali na si Clare. Iba't - ibang talakayan ang pinag usapan nila. Kung anong itsura ni Diane nung natutulog siya ng tatlong araw, kung paano sila mag alala at kung ano pa.

Si Clarence ay busy sa phone niya ganon din si Lance na naka earphone. Ako lang ata tong malalim ang iniisip pero may isa pa talaga akong hindi nagagawa. Si-

"Hoy Russel ! Masyadong malalim ang iniisip mo! Join us!" Sabi sakin ni Clare. Nakatingin ang tatlo sakin, si Dwayne, Diane at Clare.

"Ayana Sheen Silva" imbis na kung ano'ng dapat kong sabihin ay pangalan ng isang taksil ang lumabas sa bibig ko. May kung anong nakain ba ako at kusang nag salita ako?

Ang masaya nilang mukha ay napalitan ng pag tataka at takot. Hindi pa pala alam ito ni Diane.

"Anong meron may Ayana Sheen?" Tanong ni Diane. Sa malamig na tono. Nag balik na nga siya. Konting pahinga pa, babalik nang muli ang Prinsesa.

"Uhm, Diane" sambit ni Clare.

"Wala pa bang balita?" Tanong ni Dwayne.

"Diane, si Ayana ang lahat nang may gawa nito. Pero hindi pa namin sinasabi sa kanya na alam na namin na siya ang nasa likod nang mga nangyari sa inyo" biglang sabat ni Clarence.

Hay nako naman. Kapag si Clarence talaga ang nag salita, wala nang paligoy ligoy pa.

Tinignan naming lahat si Diane. Kung ano ang magiging reaksyon niya.

Natahimik kaming lahat. Isang mukhang maipipinta ang anghel na mukha ni Diane.

Isang tingin sa kawalan ang gunuhit sa mukha niya. Hindi namin alam kung magagalit ba siya, matutuwa o mag hihiganti. Nag hintay kami ng ilang sandali at..

"Buti nalang hindi agad ako nag tiwala sa taksil na babaeng iyon" isang sambit na malamig na tono ang binitawang salita ni Diane.

Pakiramdam ko ay sabay sabay kami sa pag lunok nang sarili naming laway dahil sa muling pag babalik ng Prinsesang pinahirapan sa loob ng tatlong araw.

"A-ano nang plano mo Diane?" Nauutal na tanong ni Clare. Iba na ang nararamdaman naming aura sa paligid ni Diane. Mukha siyang anghel pero iba kung magalit.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon