x36 Pain

73.2K 2.3K 54
                                    

x36 Pain


Third Person P.O.V.


Pagkatapos ng nangyari sa eskwelahan kina Kence, Diane at Dwayne ay hindi na maalis sa bibig ng mga studyante doon ang pag chismisan sila. Na ang Panget na Nerd na nilalait nila ay may tinatago palang sikreto. Ang presidente nga Fans Club nga ng Dragons ay napag pasyahang gumawa ng maikling programa upang itigil na ang mga chismis sa kanilang University. Napag desisyonan na ng lahat na sa pag babalik ni Diane ay hindi na nila ito lalaitin, pag tatawanan gaya ng ginagawa nila dati. Bibigyan na nila ito ng maayos at payapang mamuhay sa loob ng Park-Sy University.


Nagulat din ang ilang myembro ng Dragons na ang nilalait nilang si Diane noon ay kapatid pala ni Dwayne. Hindi na din bago yon sa tatlong magkaibigan na si Russel, Lance at Clarence dahil alam naman na nila ang tungkol doon. Ganon din naman si Clare na matalik na kaibigan ni Diane, si Ayana Sheen naman ay on-shock state pa din dahil hindi ma proseso sa utak ang nangyayari.


Si Diane ay hindi matagpuan kahit saan, ni sa apartment na tinutuluyan niya wala siya doon. Kahit ang kuya niya hindi siya mahanap. Nag tulong tulong na ang Dragons pwera kay Kence na mag hanap. Ngunit si Kence ay hindi pa din makapaniwala na ang taong mahal niya ay ang anak ng nanay na pinatay ng kaniyang ama. Alam niya ang tungkol doon.


*Flashback* (Bata pa lamang si Kence)


Kasama ni Kence ang tatay niya na nag punta sa airport. Nag bilin ang tatay niya na wag nang sumunod dahil sandali lang naman siya, ngunit sinuway niya ito dahil ayaw niyang mahiwalay sa kanyang ama.


Palihim na lamang na sumunod si Kence hanggang sa kalayuan ng airport, wala gaanong tao sa parteng iyon ngunit may naririnig siyang nag sasautan, nag sisigawan pala.


"Wag kang umalis, mahal kita" sabi ng kanyang ama. Alam niya ang boses nito.


"Hindi kita mahal ! Pwede ba? Lubayan mo na ako ! Aalis na ako" boses naman ng babae iyon, nag taka na siya kaya't sumilip siya. Nakita niya ang isang napaka gandang babae.


"Hindi ka aalis ! Sakin ka lang !"


"Paalam na" akmang aalis na ang babae ngunit muling nag salita ang tatay nito.


"Sige, umalis ka"


"Talagang aalis ako, dahil wala naman akong interes sayo." sabi ng babae na tumalikod na, ngunit ilang hakbang pa lamang ay


*BANG* *BANG* *BANG*


Namilog ang singkit na mata ni Kence sa kanyang nasaksihan. Binaril ng kaniyang ama ang magandang babae.


"P-Papa" lumingon ang tatay niya.


"Anak tara na" sabi ng ama at umalis na sila. Pag dating sa parking lot, umiyak si Kence.


"PAPA! bakit niyo siya binaril !"


"Wag ka ng mangialam !"


*End*


Iyon ang kaniyang nasaksihan, alam niyang wala siyang kasalanan. Galit siya sa kaniyang ama nung ginawa niya ito. Oo, mahal niya ang kanyang ama ngunit kelangan niyang pagtakpan ang ginawa nito. Pero kalahati ng kaniyang isip para sa kaniya ay masama ang kaniyang tatay.


Simula ng krimen na iyon, gumawa ang tatay niya ng hindi tama. Pinalabas niyang plane crash ang pag kamatay ng nanay ni Diane at Dwayne, nung binaril ang nanay ni Diane ay sakto din ang aksidenteng may nag plane crash kaya iyon ang ginawang dahilan.


Hanggang ngayon ay binabagabag pa din siya ng kanyang konsensya, mas lalo na ngayon. Pero handa na siyang lumagay sa tama at mag bago na. Para na din sa taong mahal niya.


Labis na nasasaktan si Diane, hindi niya alam kung paano at ano ang gagawin niya sa sitwasyon. Sobrang sakit ng nararamdaman niya 'Hindi naman basta basta ang mawalan ng isang tunay na ina, sobrang sakit non' sa isip isip niya habang umiiiyak.


Nasa puntod siya ng kaniyang yumaong ina.


"Mama, alam ko na ang totoo, mabibigyan ka na ng hustisya. Sobrang sakit lang dahil yung taong mahal ko pala ay may kinalaman sayo. Mama, buhay pa ang tatay ni Kence. Kahit matagal na ang kaso mo, gagawin ko ang lahat, mabulok lang sa kulungan ang tatay niya." At patuloy siyang umiiyak sa puntod ng kaniyang ina habang hinahanplos ang lapida nito.


"Sabayan mo lang ako sa pag iyak mama. Alam kong nasa tabi kita ngayon" sabi niya dahil sobrang lakas ng ulan.


"Diane" isang lalaki ang lumapit sa kaniya dala ang ang payong.


Lumingon naman siya at agad na tumayo at niyakap ang lalaki.


"Ang sakit! Sobrang sakit !" Diane.


"I'm sorry kung wala man lang akong nagawa sayo" sabi ng lalaki.


"Russ, lagi kang nandito para sakin. Ngayon, sobrang sakit lang talaga."


"I think, you need space. Wag mong pabayaan ang sarili mong masaktan"


"Bakit Russ? Bakit siya pa? Mahal na mahal ko siya eh"


"Sorry Diane, but both of you are the victim. Walang may gustong mangyari nito"


Humagulgol lang si Diane.


Dwayne P.O.V.


Alam ko na kung nasaan si Diane. Sorry Diane, kung nasaktan kita. Alam kong kelangan mo ko pero kelangan mo munang mag isip.

Pinapuntahan ko siya kay Russel. 

Sa puntod siya mahilig pumunta kapag may problema siya.


Maayos ang lahat ng ito,. Basta pag bayaran lang ng ama ni Kence ang lahat.

===========================================================================================================================================================

UD is here. Kupad ko mag update no? Sorry haha. Hectic ng scheds para sa next sem eh. Sa susunod ulit :) 

-Fantacln



Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon