Diane P.O.V
Umaga na at oras na naman para pumasok. Nalaman ko kagabi na nag kasagutan pala si Papa at si Kuya Dwayne kaya wala sa mansyon. Nakaka lungkot, na doon daw muna si kuya sa condo niya mag s-stay hanggat di pa sila nag kaka ayos ni Papa. Confidential din ang pinag talunan nila kaya kahit sa akin ay ayaw sabihin kung ano talaga ang nangyari. Si mama, papa at tanging si kuya lang ang nakaka alam. Others pala ako sa mansion no? Nakakatampo naman.
Nandito ako ngayon na sa loob ng room. As usual, pag dumadaan ang nerd na magandang gaya ko, umuugong na naman ang bulong-bulungan. May issue pa nga, Ako na nag tangkang lapitan DAW si kuya Dwayne. Issue nila yon at kalat na kalat sa buong campus. Yung ugong kanina yun ang naririnig ko. At ang iniisip ko ngayon ay ang issue ng pag suntok DAW ni kuya Dwayne kay Kence. WTF anong nangyayari kay kuya at bakit ang laki ng galit niya kay Kence.
Speaking of Kence, pumasok na siya at nag lakad na papunta sa likod. As usual, nasa likodan ang magaganda't gwapo. HAHAHA. Nasa kaliwa at kanan ang row nang pagitan nang upuan namin. Pagka upo niya, tumingin siya sa akin at ngumiti. Gosh. I can't be easy now. I'm blushing right now. Feeling ko mukha na akong kamatis o sili na namumula? Aish. Bakit ang lakas ng impact ng ngiti ni Kence sa sistema ko? Arrgh ! Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa niya sa akin kahapon. He kissed me -________- Pero hindi ko maiwasang kiligin, dapat nananaig ang galit ko sa kanya diba ?
Bigla namang nag echo sa magaganda kong tenga ang mga sinabi sakin ni kuya. Oo nga pala, kelangan ko nang huwag malapit sa kanya. And speaking na wag ng malapit ay nandito na pala si Kence sa tabi ko.
"Hello to earth Panget" he said. Alam kong joke yun.
"B-Bakit?" I asked.
"Kanina pa kita tinatawag pero nakatitig ka lang sakin at mukha ng kamatis yang panget mong mukha" mapang asar na sinabi niya.
"Nandito ka ba para laitin ako? Wala akong oras sayo" sinabi ko at tumalikod sa kanya. Eto na naman tayo eh, laitan na naman. Nakakasawa na.
"Nag hintay ako sayo kahapon pero hindi ka dumating." seryosong sabi niya. This time, nilingunan ko siya. Nakatungo lang siya at kitang-kita ko sa mukha niya ang pag ka lungkot.
"Mahalaga ba ang sasabihin mo o Lalaitin mo lang ako kaya sa rooftop mo pa balak makipag usap sakin" mahabang saad ko. Medyo may pag kamataray ako ngayon dahil na din siguro sa mga inaasal saakin ng mga taong nakakasalamuha ko.
"Patawarin mo ako Diane kung ganon ang trato ko sayo. Nung time na dinala kita sa coffee bar, nasaksihan mo lahat ng nakita mo sa amin ni Sunny. Nainis ako sayo that time dahil hindi mo man lang ako hinintay. At nung lumipas na mga araw, ni hindi mo man lang ako binibigyan ng chance na maka usap ka. Lumalayo ka sakin kaya ganon ang na trato ko sayo. Napag babalingan kita ng galit ko. Kaya patawad" sincere na sabi niya saakin habang tinutunaw ako ng mga mata niya.
Hindi pa naman masyadong matao sa loob sa room, yung mga chismoso't chismosa palang naamn. Humugot ako ng lakas ng loob para sagutin ang mga sinabi niya sa akin.
"Ako pa pala ang nakakainis? Nasasaktan lang naman ako sa mga panlalait mo! Akala ko mabuti ka pero sh*t ka Kence ! Nung araw na yon, sobra akong nasaktan dahil ano? Maid ang tingin mo sa akin!? Siguro, pag iisipan ko pa kung papatawarin pa ba kita. Ang sakit eh, lalo nung saksi nga ako sa kalandiang ginawa niyo. Gusto na kita Kence pero gumagawa ka ng paraan para kamuhian kita! Ang sakit Kence! Ang sakit sakit." Ewan ko. Nasabi ko yon habang umiiyak ako.
Niyakap niya ako at hinaplos ang likod. Patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Patawad Diane. Kung sa ngayon hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko sayo, handa akong mag hintay. Ganyan namn diba kapag mahal mo ang isang tao, mag hihintay ka para sa ika sasaya niya."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napakalas ako sa pag kakayakap niya. Nag echo na naman yung mga bawal na sinabi sakin ni kuya. Parang hindi ko kayang gawin yun. May nag sasabi na sundin ko ang puso ko wag ang utak ko. Nalilito ako.
"Sa ngayon din, habang nag hihintay ka. Iiwasan muna kita. Ayoko muna kitang makita kahit masakit sakin na layuan ka." sabi ko at tumayo sa pag kaka upo.
Narinig ko ang mabibigat niyang pag hinga kasabay non ang pag alis ko sa lugar na yon. Hindi na muna ako papasok. Mag papa-special lesson nalang ako tutal ako din naman ang may ari nito.
Kence P.O.V.
Nasabi ko na din sa wakas kay Diane. Gumaan ang loob ko kahit papaano. Umamin din ako ng wala sa oras na mahal ko siya. Hindi ko lang alam kung nag sink-in sa utak niya ang mga sinabi ko sa kanya. Mahal ko na si Diane. Sana naman madali niya akong mapatawad.
Umalis na siya at hindi na pumasok. NATAPOS ang buong mag damag na klase na walang laman ang utak ko kundi ang mga sinabi ni Dwayne sa akin kahapon. I can't remember anything na may ginawa ako sa kapatid niya. Ang alam ko lang naman may party sa mansion nila. What the hell naman? Si Diana nga na kapatid niya sinampal ako. Sa tingin ko si Diana pa ang may kasalanan at hindi ako.
Hayahay buhay naman oh.
==========================================================================================================================================================================
BITIN? HAHAHAHA -_- BINAGYO PO AKO KAYA GANYAN. HAYS. GANDA KONG BINAGYO NO :3 HAKHAK.
wait for the other chaps, :)
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...