x19 Normal

131K 4.1K 412
                                    

VOTE VOTE VOTE VOTE DIN PAG MAY TIME. :)

Diane P.O.V.

Monday na naman at normal day ulit. Naantok pa ko pero kelangan kong pumasok dahil malapit na ang preliminary exam kaya study hard ang nerd niyo muna.

Madaling araw na natapos ang party at hindi pa din ako maka get over sa mga sinabi sakin ni Russel. Nandito ako sa loob ng room at kasalukuyang pine-play sa earphone ang music na Thousand years. Naalala ko kasi si Russel kagabi sa tugtog na to. Ganito yan

"I really like you Diane" sabi ni Russel. 

Nakatitig lang ako sa kanya. Tila na freeze ako sa sinabi niya. Kinikilig ako.

"I like you too Russel" bigla nalang yang lumabas sa bibig ko. >.< Pesteng bibig ko, kusang nagsasalita. 

"What?" he asked. Nakangiti siya ng malawak.

"Narinig mo na, kaya walang bawian" sinabi ko with belat :P Hehehe. 

"You're blushing," he said. Naramdaman ko naman na nag iinit nga ang mukha ko. Yeah!

"Bukas, hindi ko na hahayang umiyak ka. Nasa tabi lang kita. Subukan nilang awayin ka at ako makakalaban nila" sinabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Yaaah. !

"T-Thank you Russel" I hugged him back. 

---

Yan. Kinikilig ako. Kayaaaaah.

Nagsi datingan na ang mga classmates kong baliw. 

"Uy red hair na si nerd"

"Nag babago? Still she's ugly. Yuck!"

Nag kasalubong naman ang magaganda kong kilay. Excuse me, kaka ahit lang niyan kagabi, hindi na yan makapal. At red hair? Oo nga pala, nakalimutan kong baguhin. Mamaya nalang.

"Hindi bagay sayo kaya wag kang mag maganda"

Nainis na ko. Diba sabi ko? Lalaban na ko. Ngayon, para na kong si cat women na nag ta-transform at handa ng mangalmot at tapyasan ang matatalas na dila ng mga to.

Tumayo  ako sa kinauupuan ko."FYI, Insecure lang kayo. The hell you care para pansinin ang kagandahan ko"

"Eeeew!" 

"Yuck!"

"Siya?Maganda"

"Malandi" sabi ni Shaina. Si Shaina ang pinaka hater ko dito. Since, two months na ang nakalilipas simula ng magkandagulo-gulo kami, inggit siya kasi palagi kong kasama ang Dragons at si Kence. Coz you know them naman diba? Sikat sila at campus heart throb tapos sasama sa isang gaya kong nerd? Diba kataka-taka yon?

"Kung malandi ako, ano ka pa? Bitch" sabi ko. Nag tawanan naman ang iba.

"Nice! Palaban na!" 

"Good answer. I like this scene" 

Sabi ng mga ungas kong classmate. Support sila ngayon, kanina maka-lait wagas =_=

Nag uusok naman ang pagmumukha ni Shaina. Type na type niyan si Kence. Kaya naman malaki ang galit sakin ng bubwit na yan dahil nga diba? Lagi kaming mag kasama ni Kence NOON. Masaya kami NOON. Close kami NOON. Pero NGAYON? Aba, tanungin natin ang araw baka sagutin tayo ng buwan. Korni na.

And speaking of the devil. Niluwa ng pinto si Kence. Napatingin naman ako sa kanya dahil kasalukuyan pa akong nakatayo sa pag sagot ko  kay Shaina. Nag ka tinginan naman kami. Umiwas din agad ako. Ayoko siyang makita. Ang panget niya.

Naglakad na siya at umupo na sa upuan niya. Umupo na din ako at nakinig nalang ng music. Life is buhay. Wag ng alalahanin ang mga sagabal. Be relax.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon