Diane P.O.V."K-kung sakaling buhay ka Kence... sinisigurado kong wala nang hahadlang sating dalawa. Pero mahal mo ba ako? S-sa tingin ko..." patuloy ako sa pag hahayag nang nararamdaman ko. Kahit naman anong gawin ko, hindi na siya mabubuhay. Pero nagulat ako nang marinig kong muli ang boses nang mahal ko. Naputol ang sasabihin ko.
"Mahal na mahal kita Diane." si.. si Kence ba talaga yon?
Tumahimik ako. Hindi ako naniniwala. Patay na siya diba? Wala na nga siya eh.
Tahimik ang paligid. Tanging pag tangis at pag hikbi ko lang ang naririnig dito sa loob nang kwarto.
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita Diane" sabi ba talaga ni Kence yon? Hindi eh. Patay na siya. Muli ay umiyak na naman ako. Wala na yatang tigil ang pag agos nang luha ko.
"Nakakatawa naman.... minumulto agad ako ni Kence... nakakainis ka Kence... mahal na mahal din kita eh..."
Naramdaman kong may gumalaw sa likod ko. Pero wala. Baka ililipat na nila si Kence sa morgue.
"Huhuhu... ililipat ka na ba nila sa morgue? Magiging zombie ka na ba?... nakakainis ka... kung kelan maayos na ang lahat... tsaka ka pa mamatay..."
"Kung buhay ba ako? Anong gagawin mo?" May boses na nag salita. Kasing boses ni Kence yon. Sigurado akong si Kence yon. Pero wala na nga si diba?.
"Sige... makikipag usap nalang ako sa kaluluwa mo... tutal, hindi naman tayo nakapag usap ng maayos bago ka... huhuhuhu bago ka.... mawala..."
Para namang may naramdaman akong nag pipigil nang tawa. Nakakainis naman. Nag da drama ako dito eh. Hindi ba nila nararamdaman ang pighati? Ang mawalan ka nang minamahal?
"Ang sakit... sakit mawalan... nang isang nanay... tapos ngayon.... isang taong importante din sa buhay ko... ang mawawala...huhuhuhu..."
"Kung buhay ka... hindi na tayo mag hihiwalay... pero dahil patay ka na.. mag hihiwalay na tayo... huhuhuhuhu"
"Sobra akong nag alala sayo noong napahamak ka dahil sa tatay ko. Pero Diane. Wala na siya. Magiging masaya na tayo" sagot nang kaluluwa ni Kence.
"Ako lang..
Ako na lang ata ang magiging masaya dahil wala na akong kaaway... ay baka hindi na nga ako maging masaya eh dahil wala ka na at ... wala na din akong kaagaw sa pinamumunuan ko...yung tatay mo lahat nang may dahilan nito.. kung hindi dahil sa kanya... hindi ka mapapahamak at mamatay... hindi din sana ako makikipag usap sa kaluluwa mo ngayon... huhuhuhu... ang sakit Kence"
"Magiging masaya na tayo Diane. Nakakatuwa, akala ko hindi mo na ako mahal. Akala ko, tuluyan mo na akong binura sa puso mo." sagot sa akin nang kaluluwa ni Kence.
"Sabihin mo na lahat nang gusto mong sabihin.... mahal na mahal din kita... ito na ba ang huling boses na maririnig ko mula sayo?... huhuhuhu... ang sakit sakit..."
"Mag paparamdam nalang ako kapag miss na miss mo na talaga ako" sagot niya sa akin.
"Waaaaaah! So... eto na pala talaga ang huli... mahal na mahal kita.. talaga ngang... wala ka na.. sobrang mami miss kita... ba-babantayan mo ako palagi ha? ... kapag may laban ako... pwede bigyan mo ako nang lakas... para matalo ko sila... ikaw din ang iisipin ko... palagi kang nasa puso at isip ko... at kung... kung bibigyan pa ko nang pag kakataong mag mahal.... give me a sign Kence.. na payag kang makipag relasyon ako ulit...
Pero parang hindi na... Ikaw lang kasi ang nandito sa puso ko at wala nang iba.." wala na, wala na pala talaga ang taong mahal ko. Nakakainis naman. Sobrang sakit na nang puso ko. Sana namatay nalang din ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...