x15 Messy Things

122K 3.6K 163
                                    

HI READERS. ALAM KONG BITIN YUNG MGA UDs KO, BUSY SA SCHOOL EH :( 

I'LL TRY TO UPDATE SA TAMANG ORAS AT ARAW :)

AND THEN YUNG MGA SUSUNOD NA CHAPs LIKE THIS, MGA FLASHBACKS ABOUT YUN. SIGURO MGA 2 OR 3 CHAPs ANG MAGIGING LAMAN NG UD KO. FINAST FORWARD KO NA PARA MARAMDAMAN NA YUNG PAG TA-TRANSFORM NG ATING MS.NERD.

HAPPY READING! :)

~xoxo~


Diane P.O.V.


Nandito pa din ako sa kama. Naka higa at nag papahinga. Sabado ngayon at walang pasok. 


*bzzzt* - wag ka, tunog ng buzzer ko sa pinto yan. Hehehe.


"Pasok!" sigaw ko. Nakakatamad kasi tumayo. Narinig ko namang pumasok na yung tao. Alangang alien diba.


"Oh, nakahiga ka na naman diyan best !" si Clare. Ang matalik kong kaibigan. Simula nung nag kakilala kami, hindi na niya ko iniwan. Minsan nga tinatakasan ko yan. Hehehe. Makulit kasi at ayaw akong tantanan. Nilalait din ako niyan pero nasanay na ko sa kanya. Mahal ko yang besty ko.


"Bakit? Masama mag pahinga?" mataray kong sagot sa knya. Hahahaha.


"Yan ang gusto ko sayo. Palaban  ka na. You've changed a lot best. Kay love na love na love kita eh" masiglang sagot niya. Akla niyo mag tatarayn kami noh ? Hindi no, she taught me how to fight. AJA! Hahaha.


Sa school nga pala, nilalait pa nila ako. Hinahayaan ko na lang pero once na makarinig ako sa kanila na hindi na maganda tungkol sa pag katao ko.

.

.

.

Nagiging halimaw at pumapatay ako. 


Siempre, joke lang yon.  


Lumalaban na ako sa kanila ng patas. Kung sagutan, nakikipag sagutan ako. Kung brutalan, brutalan din ako. Yan ang patas. Hindi na ko papayag na saktan nila ako tulad ng pananakit niya sa akin.


"Iba na ako Clare. Ayoko na, sawa na ako sa dating ako." matapang kong sabi. Tumingin siya sakin ng seryoso.


"Tama yan. Ipakita mo kung sino at ano ang sinayang niya. Nga pala, sila Russel, pupunta dito. Makikita ko ulit si Clarence my loves. KYAAAAH" si Clare kanina seryoso, ngayon kinikilig naman (*/ω\*) 


Baliw na bespren ko. Speaking of Russel, super-duper close na kami. Kinikilig nga ako sa kanya lagi eh. Pero hindi ako nag papalahalata. Pupunta sila dito para i-celebrate ang naudlot na party nung nanalo sila sa laban ng basketball kahapon. Dapat sa bar yun gaganapin kaso nag ka emergency kaya dito na lang gaganapin.


"Baliw ka na Clare, alis ka na nga ! Naiirita ako sayo ! Mag papahinga pa ko." pinaalis ko na. Hahahaha.


Minsan may pag ka mataray at malditahin na ako. Nahawa na ako sa kanya. Sanay na din kami sa isa't-isa.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon