x56 Hi Ayana Sheen

51.5K 1.3K 246
                                    

Kence P.O.V.

"Babylove naman. Wag mo naman siyang murderin" sabi ko sa pinaka mamahal kong babae sa buong mundo.

"Wala kang pake. Sinira niya tayo at ang ibang tao" walang pakeng sagot niya sa akin. Naramdaman ko namang tumingin siya sa akin.

"Teka, bakit mo ba pinag tatanggol ang  taksil na babaeng iyon? Mag sabi ka nga! May nakaraan ba kayo kaya ganiyan nalang ang pag tatanggol mo?" nagulat ako sa tanong niya.

"Nag seselos ka ba?" balik kong tanong sa kaniya.

"Oo. Tsaka pwede ba, sagutin mo muna yung tanong ko. Argh!" naiinis niya akong tinanong.

"Nakaka tuwa kang mag selos. Don't worry babyloves, wala kaming kahit anong koneksyon ni Ayana na iyan. Wag nang mag selos" pagla lambing ko sa kaniya. Bumalik naman siya sa pwesto niya at nag pakawala nang buntong hininga.

"K. Fine" tanging sagot niya nalang.

"Sige, pero ayoko lang madungisan ang kamay mo. Kaya please, babyloves" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya kaya magka tinginan din kaming dalawa.

"Fine, basta tumingin ka sa daanan at baka mabangga tayo" sabi niya at sinunod siya. Kahit gaano siya ka sungit, ka tapang o kahit ano man siya, siya lang. Siya lang ang babaeng mahal na mahal ko.

"Iloveyou Mrs. Anderson"

"Bata pa tayo"

"And so?"

"Iloveyou too babyloves" she replied. Pakiramdam ko kinikilig ako. Fudge, lalaki ako bat parang nakaka bakla ang kiligin. Pero normal lang to lalo na ngayong maayos na ulit kami.

"Matulog ka muna babyloves, para makapag pahinga ka muna saglit" sabi ko at bago siya umidlip nag patugtog muna siya.

"Ikaw at Ako" Theme Song namin to kung natatandaan niya pa. Pero alam kong tanda niya ito dahil kahit nag kalayo man kami, ito ang pina tugtog niya. Ang sarap mag mahal. Parang candy, matamis.

Actually, buma byahe na kami ngayon papuntang hide out. All set. Kasunod namin ang ibang Scorpion Gang which is my babyloves' gang, nag papa salamat din ako kay Kence at Russel sa muling pag tanggap nila sa akin sa Team Dragons. Ang Daddy at Mommy ni Diane, umuwi na at mag papahinga na din. Tanggap na din nila ako, kahit nung una masakit lahat.

*Flashback*

"Kence mag usap tayo" sabi nang daddy ni Diane.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Bago namin planuhin ang prank kay Diane, nag paalam muna kami sa parents niya kung payag ba sila o hindi. Thanks God naman dahil pumayag sila. Pati ang mommy niya. Nakakatuwa dahil suportado ang mommy niya. Ang kwela nga eh, parang teenager lang na mag susurprise sa boyfriend.

"Sige po" sabi ko sa Daddy ni Diane at umupo nang ayos sa hospital bed.

"Bago ang lahat, Salamat dahil magaling ka na" sabi nito at nginitan ako. Pakiramdam ko may kasunod yung ngiti niya. Kaya tumango nalang ako bilang pag tugon.

"Gusto ko lang sabihin na, sobrang sakit mawalan nang asawa" tumigil siya at tumungo. Tinignan ko lang siya at patuloy na makikinig sa kung ano man ang sasabihin niya pa.

"At ang masakit pa don, ang lalaking mahal nang anak kong babae ay ang tatay pa nang kumitil sa buhay nang asawa ko" tumungo din ako dahil alam ko kung saan patutungo ang usapang ito. Kahit anong sabihin sa akin ni Mr. Park Sy, tatanggapin ko. Kahit masakit man.

"Sobrang sakit dahil pinag lalaban ka nang anak ko. Sobrang sakit dahil pinag takpan ka niya noon. Sobrang sakit dahil muntik na akong mawalan nang isang babae sa buhay ko. Sobrang sakit non alam mo ba? Dahil sa tatay mo kaya nasira ang buhay ko. Ang buhay nang anak ko. Kaya niya sinubok ang lahat. Laitin man, tapakan man nang ibang tao, tinatanggap niya. At ang masakit, mismong taong mahal niya ay ginawa ang bagay na makapag sasakit sa damdamin nang anak ko." napatigil siya. Ramdam kong tumingin siya sa akin kaya tumingin na din ako.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon