Diane P.O.V.
ClarizzeAlvaro robeng14 youaretheamazing Dessirei27
Ang saya ko dahil kahit isang araw nakasama ko ang tinatawag na pamilya. Naramdaman ko ulit yung saya at pag mamahal. Sana ganoon nalang lagi. Walang away at walang gulo. Sawang sawa na ako sa mga ganon, I want to live free and happy at the same time.
Babalik na ako ngayon sa hideout. Sa hideout muna ako mananatili hanggat hindi ko pa nahahanap si Kevin Anderson. Nandoon naman ang ibang SG at ang mga kaibigan ko. Thankful din ako dahil hindi nila ko iniiwan. Si kuya naman pupunta nalang siya kapag may balita na.
Kaunti nalang ang dumadaan sa lugar na daan papubtang hideout. Naramdaman ko na namang may sumusunod sa akin. Tumingin ako sa side mirror. Binilisan ko ulit ang takbo ng kotse ko. Tama nga ako, yung kaninang sumusunod sa akin ay sinusundan pa din ako hanggang ngayon. Sino kaya ang isang ito at minamanmanan ako. Hmm. Nagilat nalang ako nang Bigla niyang hinarangan ang daanan ko. Napapreno naman ako bigla. Buti nalang hindi ako tumalsik, ang lakas ng impact non dahil biglaan nga.
Sa sobranb inis ko Lumabas ako ng kotse at hinanda ang sarili ko. Huminga ako nang malalim. At hinintay na lumabas yung nasa loob ng kotse na humahabol sa kin. Ang masasabi ko lang sa taong lumabas ng lungga ay "wow". Sa wakas. Natuwa ako sa nakita ko.
"Dito lang pala tayo mag tatagpo" sabi ko sa matandang walang kaluluwa. Si Kevin Anderson. Napangiti siya nang makita niya ang hinahanap niya din. Should I say nag hahanapan kaming dalawa? Ha-Ha-Ha nakakatawa.
"Well, Long time no see? Or welcome to hell?" Maganda ang pambungad niya sa akin ah. Hamunin daw ba ako. Huh, why not coconut. Tss.
"I think its welcome to hell Moron" mapang asar kong sinabi at ngumisi ako sa kaniya.
Matagal kaming nag katinginan. Binabasa ang kahulugan ng mga mata namin. Gusto naming tapusin ang isa't isa pero ang siyang mag wawagi, ay siya ang mabubuhay. Habang binabasa namin ang mga balak namin, Nag lakad ako paabante, napansin niya ito kaya siya naman ay naglakad nang paatras.
"Alam mo, babae ka eh." Sabi niya nang may halong ngiting aso.
"Eh ano naman kung babae ako?" Tumigil na ako sa pag lalakad hudyat na gusto ko nang simulan ang labanan na ito at Ganoon din siya.
"Madali ka lang patayin gaya ng mama mo" I raised my left eyebrow dahil sa sinabi niya. Huwag niya akong gagalitin nang dahil sa nakaraan.
"Kung kaya mo" pagkasabi ko non ay agad akong sumugod ng isang suntok. Nakailag naman siya kaya agad siyang bumawi na sikmuraan ako. Pero madali akong nakaiwas at umikot ako para malayo ng kaunti sa kaniya.
"Ikaw ba ang Princess Scorpion? DUWAG!" Sabi niya tsaka muling sumugod at susuntukin dapat ako sa sikmura pero madali akong naka iwas at pumunta ako sa likodan niya at tinuhod ang pwetan niya. Dahil sa katandaan niya ay napa aray naman siya. HAHAHAHAHA. Bastos yung ginawa ko pero nag enjoy ako. Napaupo at agad ko siyang sinipa sa likuran. Kaya naman tuluyan na siyang nakahiga sa lapag.
"Hindi mo ba matanggap na lumandi ang nanay mo?" Nag pintig ang tenga ko sa sinabi niya kaya naman, pinag sisipa ko siya sa likod. May katandaan na siya kaya kahit mag take pa siya ng droga, wala nang epekto yon. Bagkus, manghihina na siya dahil hindi na kaya ng system ng katawan niya.
Hinila ko ang buhok niya at sinabing " Lumandi ka din naman hindi diba? "
Hinila niya ang paa ko kaya naman nakahugot siya ng laka para makatayo. Hinila niya ang buhok kong nakalugay at tinayo ako at sinakal ng braso niya. Masakit syempre at hindi naman ako tanga kaya tinadyakan ko ang private part niya na siyang kina aray niya at kinagat ko ang braso niya. Kaya naman nakawala ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...