Author
Happy Reading .
Dwayne P.O.V.
Tinawag ako nang mga loko na bumaba para makisaya sa dance floor. Hindi ko din naman matanggihan dahil nainip na ako dito sa VIP room. Kasama si Kence, ka text niya si Diane kaya hindi kami gaano maka pag usap.
"Dude, baba lang ako" paalam ko kay Kence at ang loko tumungo lang tugon na pumayag siya. Loko talaga iyon. Adik sa kapatid kong panget.
Pag baba ko, napansin ko na naman ang kahawig ni Ayana. Hindi ako maka siguro dahil napaka ganda nang Disco Light , makapal ang usok at nakaka bingi ang indak nang tugtog. Talaga naman kasing High Class sa bar ni Kence kahit na pina bagsak ko to noon. Pero dahil mabait ako, binawi ko naman dahil may puso pa din ako.
Ayun nga, nasa baba na ako at sinundan ko nang tingin ang kamukha ni Ayana. Umakyat ang impostora pero nabigo na akong sundan nang tingin dahil may humigit na sa aking mga babae. Iba talaga karisma nang ka gwapuhan ko. Kung sino sinong babae nahigit sa akin pero isa lang ang nasa puso ko. Si Clare lang iyon.
Nag simula na kaming mag sayawan kasama ibang Dragons. Ang iba, nasa kaniya kaniyang room na. Alam na. Hahahaha. Pero iba ako sa kanila. Gwapo ako sila Playboy. See the difference, spelling pa lang.
Ayana Sheen P.O.V.
Umayon naman ang balak ko. Bumaba ang shungang Dwayne. Kaya naman pag kaka taon ko nang mapuntahan si Kence sa taas. Umakyat na ako at pa simpleng pumasok sa VIP room. Busy siya sa phone niya. Baka mag ka text sila ni Diane.
"Kence" tawag ko dito. Hindi niya ako napansin kaya naman nilapitan ko siya at tumabi nang konti sa kaniya. Napalingon siya at nagulat.
"Ayana? Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin. Baka kung ano ang iniisip niya kaya naman nginitian ko siya.
"Wala akong masamang balak. Andito ako kasama yung mga friends ko sa baba. Nakita kita kaya naman kukumustahin sana kita" paliwanag ko. Naging okay naman ang itsura niya. Gwapo talaga siya kahit anong reaksyon niya.
"Ganon ba. Akala ko ba lumayo ka na?" tanong nito sa akin.
"Oo pero nag ka yayaan kasi ang mga kaibigan ko kaya dito kami napunta." sagot ko. Tumungo siya at binalik ang pansin sa phone. Ka text niya nga si Diane. Inagaw ko ang atensyon niya at inalok siya nang wine. Tinanggap niya naman iyon at nag cheers pa kami. Bago nga lang niya inumin iyon,
"Sana nag bago ka na" sabi niya kaya naman nag aalinlangan pa siya kung iinumin niya o hindi.
"Nag bago na ako Kence. Ayoko nang mag ka roon pa nang ka alitan pa" sabi ko at inaya na siyang inumin ang wine.
Ininom na namin ang wine at pag katapos non ay nag phone ulit siya. Busy-ing busy siya sa taong mahal niya. Tignan natin kung magiging busy ka pa.
Maya maya'y napahawak siya sa sentido niya na tila para siyang nahihilo. Tunay ngang effective ang pampatulog na pinainom ko sa kaniya kasama nang wine.
"Kence? Bakit?" tanong ko.
"Ahh w-wala" sagot nito. Inalalayan ko siyang mahiga pero ang kinalabasan, knock out na siya at nahulog ang phone niya.
Nabasa ko sa phone niya ang ise send niya sanang iloveyou babyloves pero hindi ko na sinend.
Inihiga ko siya at tinuloy na ang balak ko. Ayokong maging masaya si Diane lalo na at monthsarry nila bukas. Ito ang surpresa sayo nanng taong mahal mo Diane. Kaya mag saya ka.
Hinanda ko ang sarili ko. Nakahiga si Kence kaya naman pumatong ako sa dibdib niya at binuksan ang tatlong butones nang long sleeve niya. Dinikit ko ang sarili ko. Mahimbing ang tulog niya kaya naman kunwari'y natulog din ako. Pero bago ko ginawa iyon ay hinanda ko ang camera ko at kinuhaan ang sarili naming tulog.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...