Diane P.O.V.
Nandito kami ngayon sa salon at ako ay kasalukuyang nakaupo habang inaayos ang buhok ko ng beki. For real na talaga na aayusan ako. Akala ko si mama ang mag aayos sakin pero naunahan siya.
Almost 2 hours na kami dito sa salon. Ang kapal daw kasi ng buhok ko kaya mahirap daw i-rebond.
Yung sa regular class na dapat nasa school kami ngayon, hindi na natuloy. Inanounce nalang daw ni mama na wala ng pasok at free na lahat ng students. Pano ko nalaman? Simple lang, may communication ang best friend ko na daw na si Clare sa admin ng school.
Si Clare Monteclaro nag maituturing ko ng best friend ngayon. Bakit? Mabait na tao siya. Hindi niya ako pinandidirihan gaya ng iba. Sakin niya daw nakita ang isang simpleng babae. Na touch nga ako sa kanya kanina habang inaayos ang buhok ko.
Puro positive ang narinig ko mula sa kanya. Kadalasan kasi, mga negative sides ang nakikita at napupuna ng tao sakin. Kesyo ang pangit ko daw, nerd at mukhang yaya daw.
Thanks God ako dahil nag karoon ako ng kaibigan gaya niya.
After an hour..
"Tadaaaa!" masiglang sabi ni beki.
"Presenting the new Ms. Nerd turns to Ms. Pretty Diane" Nakakatuwang sinabi ni Clare.
Tumingin ako sa salamin at
O___O Sino yan? Ako ba to? Yung itsura ko nag bago na. Yung buhok kong buhaghag naging curl na siya pero mahaba. Katatamtaman lang. Tapos yung bangs ko, ok lang din.
Omo. I can't believe this. Sa salon lang pala mababago ang itsura ko.
"You look beautiful best friend" - Clare.
"Thank you Clare" sagot ko.
"Oh, next tayo sa EO eyes" - sabi ni Clare at hila na naman sakin palabas ng salon.
Nandito na kami sa EO eyes. Binati kami at syempre nag greet back din. Kilala din pala dito si Clare. Kaibigan daw ng kapatid niya ang may ari ng EO eyes na to.
"I just want to check up my best friend. Malabo kasi mata niya and she's wearing thick eyeglass." harsh na sabi ni Clare. Oo, may pagka prangka tong babaeng to pero mabait siya.
Ngayon palang kami nag ka kilala pero ang gaan na nag loob ko sa kanya.
After checking up.
Binigyan ako ng solution daw at contact lens para hindi na nako gumamit ng makapal na salamin at hindi na din daw maging nerd.
Hindi naman totally malabo ang mga mata ko. Trip ko lang mag suot nun eh.
Athena Clare Monteclaro P.O.V.
Hi. I'm Athena Clare Monteclaro. Yes may POV hehehe. Family ko ang may ari ng mall na pinuntahan namin ngayon. Ako naman ang nag mamay-ari ng isang boutique dito sa loob ng mall. Mag best friends din ang parents namin ni Diane. Kaya yun ang dahilan kung bakit ko siya nakilala.
Actually, nung nasa school ako nakabunguan ko si best friend Diane. Matagal ko na siyang kilala since 1st year high school palang kami. Gusto ko siyang kaibiganin pero nahihiya lang ako sa kanya baka i-snobin niya ko. Binubully din yan siya pero pinapabayaan niya lang. Kawawa nga yan eh. Tanga lang, nag papa bully. Kung ako yon, sinapak ko na sila.
Harsh na kung harsh eh sa ganon ako.
Matagal ko na ding kilala si Diane since our parents are best friends nga, lagi kaming nasa kanila noon. Pero hindi niya nga din ako napapansin dahil hindi siya lumalabas ng kwarto niya. Taong bahay yata siya at ayaw makakita ng tao.
Tinreat ko siya. Para mabigyan na ng chance na maging friends kami. Hinila ko siya papunta dito sa mall. Dinala ko sa salon at EO eyes. Yung salon na yon, kilala ako dahil kaibigan ng kapatid ko ang may ari nun na si Athens Claire. Hindi lang pala ako ang daughter. Nakalimutan ko siyang banggitin sa inyo. Paano ba naman kase, di ko feel na may kapatid ako dahil lagi silang busy. Kaya naman ganon nalang. Feel ko only daughter ako kahit hindi. Hihi. Kaya naman free ako doon anytime. Sa EO eyes naman, sa ka kilala yon ng kuya kong si Adam Carl. Hanep sa names no? Hahaha.
Diane was so beautiful today. Perfect bestfriend kami. Hehehe.
Next destination ang botique ko. Hinila ko siya ulit. Hehehe. Hilig ko ba ang manghila? Wala eh, baka pumalag pa siya.
Nandito na kami sa loob ng botique ko. Binati naman ako ng mga staffs ko.
"Clare, ano bang ginagawa natin dito?" tanong sakin ni best.
"Best, malamang mamimili ng mga damit" sagot ko.
-_____- itsura ni best. Hahaha.
"Alam ko, sige uupo nalang ako. Mag hanap ka na ng damit mo" - Diane.
"NO! Mamimili tayo ng damit dito. Halika" hinila ko siya at kumuha ng dress. Sleeveless siya pero di naman gaano ka sleeveless. Tapos sakto lang yung ikli.Medyo floral din. Kumuha din ako ng sandals niya, high heels para maganda.
Binigay ko sakanya. "Isukat mo yan at lumabas ka, titingnan ko" sabi ko sa kanya.
"Wag na Clare." tanggi pa niya.
"Dali na" sabi ko "Hays, sigi na nga" sabi ko. Ayaw pa pero sumunod naman hehehe.
After ilang minutes lumabas na siya at taddaa ! *O*
"You look so beautiful kesa kanina na para kang manang " puri ko. Totoo naman, ang ganda niya kesa sakin Xd Hahaha.
"Thank you Clare."
"My pleasure. Wag mo ng tanggalin yan at aalis na tayo" sabi ko.
O___O Best. " A-ayoko" saway niya -____-
Dali na. Nahila ko na ulit siya. Hahaha. Kala niya makakatanggi pa siya.
==========================================================================================================================================================================
Itutuloy....
Yung picture ni Diane nung nabihisan na siya :)
Next chap x12 Who is she?
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...